Madam Inutz nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International
FEELING sad ngayon ang social media influencer na si Madam Inutz sa mga nangyayari ngayong isyu ukol sa Miss Planet International.
Malapit kasi sa kanya ang representative ng Pilipinas na si Herlene Budol na hina-handle rin ng talent manager na si Wilbert Tolentino.
Nag-comment nga rin si Madam Inutz sa naturang Facebook post nga ng kanilang talent manager kung saan sinabi nitong aatras na si Herlene sa naturang beauty pageant.
“Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene.
View this post on Instagram
We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry. Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes.
But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits. This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission,” pahayag ni Wilbert.
“Kakalungkot naman sir,” sey ni Madam Inutz.
Sa naunang Facebook live ng social media influencer ay natanong siya kung sasaki rin ba siya sa Miss Planet International gaya ng itinuturing niyang kapatid na si Herlene Budol.
“Hindi ko nga alam eh. Nagkaka-issue nga sa Miss Planet [International] pero siyempre mayroon na tayong ticket kasi papuntang Uganda,” pagkukwento ni Madam Inutz.
Dahdag pa niya, “So wala pa namang final update kung tuloy ba o ano. Hindi ko pa sure.”
Nakatakda rin kasing lumipad pa-Uganda si Madam Inutz para magpakita ng suporta kay Herlene.
Ang kanyang naturang Facebook live ay nangyari dalawang oras bago i-announce ni Wilbert na tuluyan nang nagba-backout si Herlene sa naturang beauty pageant.
Kaya marahil ay hindi na rin tutuloy si Madam Inutz pa-ibang bansa at marahil hihintayin na lang ang pag-uwi ng team nina Herlene Budol sa Pilipinas.
Related Chika:
Miss Planet International kanselado na nga ba?
Wilbert Tolentino sinabing hindi pa ‘officially cancelled’ ang Miss Planet International pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.