Kris gusto uling umeksena sa campaign rally ni VP Leni pero payo ni Cristy: Kung ako sa kanya, wag na... | Bandera

Kris gusto uling umeksena sa campaign rally ni VP Leni pero payo ni Cristy: Kung ako sa kanya, wag na…

Reggee Bonoan |April 07,2022
facebook
share this

Kris gusto uling umeksena sa campaign rally ni VP Leni pero payo ni Cristy: Kung ako sa kanya, wag na…

Reggee Bonoan - April 07, 2022 - 06:14 PM
Kris gusto uling umeksena sa campaign rally ni VP Leni pero payo ni Cristy: Kung ako sa kanya, wag na...

MAY follow-up tsika si Nanay Cristy Fermin tungkol kay Kris Aquino na tinalakay nila ng co-host niyang si Romel Chika sa radio show nilang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali.

Ayon sa host at batikang manunulat ay may nagbulong sa kanyang Kakampink na humahanap daw pala ulit ng tiyempo si Kris para makalabas uli.
Gusto raw kasing makaakyat ulit ng TV host sa entablado para sa susunod na campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na kumakandidatong presidente at bise presidente sa May 9, 2022 elections.
Bungad ni ‘Nay Cristy, “May nagkuwento sa akin na si Kris pala humahanap lang ng tiyempo para umakyat ulit sa isa pang entablado de kampanya ng Kakampinks.

“Ngayon nu’ng makarating daw ‘yung kuwento sa mga senador halos lahat sila ay kumontra.

“Nu’ng una nag-aalala sila para sa kalusugan ni Kris, ‘yung health niya alam naman natin na nangangailangan siya ng matinding pahinga at gamutan.

CSiyempre ‘yung mga senador ayaw nila dahil baka nga naman ano ang mangyati kapag umakyat na naman siya tulad nu’ng nauna sa Tarlac, di ba?” pahayag ni Nay Cristy.

“Pero kung hahalukayin natin ang dahilan kung bakit ayaw nila (mga senador), nasisira ‘yung programa nila. ‘Yun ang totoo!

“May mga nakaplano sila na programa sunud-sunod hindi po ‘yun natutupad at nagaganap dahil parang si Kris ang sumisira do’n sa kanilang kampanya,” sabi pa.

Sumang-ayon naman si Romel Chika na bakas din sa mga mukha ng mga senador na nasa likuran noon habang nagsasalita si Kris sa entablado sa Tarlac rally ay nagtatanong sila sa sarili ng, “Anong nangyari?”
“Nag-aalala kasi sila, lahat naman tayo nag-aalala para sa kanyang health, di ba? E, aakyat na naman siya. E, sandamakmak na tao na naman ang makakahalubilo niya,” paliwanag ulit ni Nanay Cristy.

Pero sa kabila noon base sa Kakampink na source ni ‘Nay Cristy ay baka masira ang programa kung dadalo si Kris.

Hirit naman ni Romel Chika, “Di ba nga ‘Nay may mga nagsabi na hindi nakatulong ang pag-akyat niya sa stage kundi nakabawas pa raw.”

“Actually naging nega ang rebyu, di ba?” sambit ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa, “Lahat ng lumabas puro kanegahan at ang konklusyon nila hindi nakatulong kundi nakapanipa pa ng boto na dapat kanila na parang ganu’n.

“Ewan ko ha, kung kilala ko si Kris matigas ang ulo niya. What Kris wants, Kris gets parang ganu’n. Pero kung ako kay Kris, ‘wag na (umakyat sa stage). Pahinga ang kailangan niya ngayon,” sabi ng radio at TV host.

Hmmmm, ito ba ang dahilan kaya hindi pa siya umaalis ng bansa para magpagamot sa Amerika? O, baka tatapusin niya ang eleksyon para makadagdag boto rin siya sa Kakampink?

 

Related Chika:
Kris keber sa mga sakit, ibinuking na may sulat si P-Noy kay VP Leni: Sa ‘yo ko nakikita ang sincerity

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak ni Tarlac Mayor Cristy Angeles nag-react sa pahayag ni Kris Aquino: Anong utang na loob ng family namin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending