Kris keber sa mga sakit, ibinuking na may sulat si P-Noy kay VP Leni: Sa 'yo ko nakikita ang sincerity | Bandera

Kris keber sa mga sakit, ibinuking na may sulat si P-Noy kay VP Leni: Sa ‘yo ko nakikita ang sincerity

Therese Arceo |March 24,2022
facebook
share this

Kris keber sa mga sakit, ibinuking na may sulat si P-Noy kay VP Leni: Sa ‘yo ko nakikita ang sincerity

Therese Arceo - March 24, 2022 - 12:45 PM

Kris keber sa mga sakit, ibinuking na may sulat si P-Noy kay VP Leni: Sa 'yo ko nakikita ang sincerity

GINULAT ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang madlang pipol matapos itong dumalo at magpakita ng suporta sa presidential candidate Vice President Leni Robredo sa naganap nitong people’s rally sa Tarlac nitong Miyerkules, March 23.

Sa kabila ng kanyang frail health condition dahil diagnosed ito ng erosive gastritis at gastric ulcer ay matapang pa rin itong nagpunta sa rally para magpakita ng suporta kasama ang kanyang mga anak na sina Bimby at Kuya Josh pati na rin ang isa sa malalapit niyang kaibigan na si Angel Locsin.

Pagbabahagi ni Kris, “I only found out yesterday na sa Tarlac pala ang rally ni VP Leni, so sabi ko, I’m going and nobody can stop me.”

Bagamat mas pinili ni Angel na manatili na lamang kasama ang crowd ay napilit siya ni Tetay na samahan siya sa stage.

“Bihira lang po ako aakyat sa stage kasi hindi naman po ako talaga sanay umakyat sa stage kahit artista ako, mas gusto ko kasama ko po kayo sa crowd.

“Kaya po ako lumabas dito dahil naniniwala po talaga ako kay VP Leni… kahit na anong ibato ninyo sa kanya, sabihin na natin lahat ng intriga, lahat fake news pero walang makaka-deny na sa lahat ng bagyo, sakuna, pandemya, hindi nila tayo pinabayaan,” saad ni Angel.

Ikinuwento naman ni Kris na nang mamatay raw ang kanyang kapatid at dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III ay may nakita siyang sulat nito na para kay VP Leni Robredo.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

 

“I will reveal a secret because alam n’yo naman ako, madaldal. Noong namatay po si Noy, may sulat akong nabasa na inaddress niya kay VP Leni. I will not reveal kung ano ang ibang laman no’n dahil confidential na ‘yon pero merong isang paragraph na talagang tumama sa puso ko,” lahad niya.

Pagpapatuloy ni Kris, “Sinabi po ni Noy, sa lahat, meaning parang sinasabi niya sa lahat ng kapartido, ‘Sa ’yo ko nakikita na iisa ang pananaw, iisang ang vision.’” In other words sinabi ni Noy na, ‘Sa ‘yo ko nakikita ‘yung sincerity at ‘yung ability na unahin ang iba bago ang sarili.’”

Kaya naman nang mabasa raw niya ito ay sinabi niya sa kanyang sarili na kailangang niyang manindigan para kay VP Leni Robredo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam n’yo po, n’ung nabasa ko ‘yon, sinabi ko sa sarili ko, ‘You have to fight for her dahil sa kanya bilib si Noy’”, sey pa ni Kris.

Kaya naman hindi kataka-taka na sa kabila ng kanyang kondisyon ay pinilit nitong pumunta ng Tarlac, lugar na malapit sa kanyang puso, para ipakita ang hindi matatawarang suporta niya kay VP Leni.

Related Chika:
#Ouch! Kris nilaglag si Herbert; napa-aray sa sinabi ni Angel tungkol sa pakikipagrelasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending