Lolit Solis napa-throwback nang mabalitaan ang isyu ni Will Smith: Ganoon rin ang nangyari kay Rudy Fernandez | Bandera

Lolit Solis napa-throwback nang mabalitaan ang isyu ni Will Smith: Ganoon rin ang nangyari kay Rudy Fernandez

Therese Arceo |March 31,2022
facebook
share this

Lolit Solis napa-throwback nang mabalitaan ang isyu ni Will Smith: Ganoon rin ang nangyari kay Rudy Fernandez

Therese Arceo - March 31, 2022 - 05:51 PM

Lolit Solis napa-throwback nang mabalitaan ang isyu ni Will Smith: Ganoon rin ang nangyari kay Rudy Fernandez

NAALALA ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez matapos mabalitaan ang isyu ng pananampal ni Will Smith sa komedyanteng si Chris Rock.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang nagdaang insidente na kinasangkutan ng aktor na may pagkakahawig sa nag-trending na isyu ni Will Smith.

Pagsisimula ni Manay Lolit, “Iyon init ng ulo talagang will make you do things na later on, pagsisihan mo rin, Salve.

“Siguro kung medyo pasensiyoso ka lang, maghintay ng 1 minuto para maalis ang init ng ulo mo, hindi mo magagawa iyon biglang silakbo ng galit.”

Ani Manay Lolit, parehas na parehas ang ginawa ni Will Smith at ni Rudy matapos biruin ni Bert “Tawa” Marcelo ang asawa nitong si Lorna Tolentino sa isang awards night.

“Iyon ginawa ni Will Smith ganuon din ang nangyari kay Rudy Fernandez nang biruin ni Bert ‘Tawa’ Marcelo si Lorna Tolentino nuon sa isang awards night.

“Talagang sinampal na ikinabigla ng lahat dahil nga parehong well loved sa showbiz si Rudy Fernandez at Bert Marcelo,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Sey niya, mahirap rin ang magbiro dahil hindi mo alam kung ano ang posibleng maging reaksyon ng taong makakarinig ng joke pati na rin ng taong tinutukoy sa pagbibiro.

“Iyon joke depende din kung paano tinatanggap ng binibiro mo. Pero iyon naman init ng ulo dapat din intindihin dahil emotional outburst iyon. Saka malaking bagay din na humingi ng apology iyon gumawa ng kasalanan,” salaysay ni Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Sinabi naman niya na “very manly” pa rin naman sina Will at Rudy dahil nag-apologize ito sa maling nagawa nila.

“Ang hirap din gawin iyon pero nagawa nila bilang pagtanggap sa kanilang pagkakamali. Tanggapin natin na kahit sinong tao dumarating iyon moment na bigla ka nag-i-snap dahil hindi mo nagustuhan ang isang pangyayari,” sey ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, isa ring sign ng maturity at wisdom ang pagtanggap sa apology lalo na at hindi naman araw-araw ay “good day” para sa isang tao.

“May araw na hindi maganda ang feeling mo kaya sensitive ka. We wish na sana hindi laging may nangyayaring ganito, pero kung meron man, tanggapin natin, dahil normal flow of life.

“One moment of madness na hindi mo mapigilan. Kaya huwag iinit ang ulo lalo ngayon na mainit ang panahon, bad bad iyan,” payo pa ni Manay Lolit.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Will Smith sinampal si Chris Rock sa stage ng 94th Oscars: Keep my wife’s name out of your f*ck**g mouth!

Will Smith nag-sorry matapos sampalin si Chris Rock sa Oscars 2022: I was out of line and I was wrong

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending