Angel nanghihinayang na hindi makakita ang ama: Kalahati ng Pilipinas alam ang mukha ko pero ‘yung tatay ko hindi | Bandera

Angel nanghihinayang na hindi makakita ang ama: Kalahati ng Pilipinas alam ang mukha ko pero ‘yung tatay ko hindi

Reggee Bonoan |March 31,2022
facebook
share this

Angel nanghihinayang na hindi makakita ang ama: Kalahati ng Pilipinas alam ang mukha ko pero ‘yung tatay ko hindi

Reggee Bonoan - March 31, 2022 - 02:48 PM

Angel nanghihinayang na hindi makakita ang ama: Kalahati ng Pilipinas alam ang mukha ko pero ‘yung tatay ko hindi

ANG pinaka-wish ni Angel Locsin ay ang makakita ang amang si Ginoong Angel Colmenares para naman makita nito ang mga achievements niya noong nasa tuktok siya ng tagumpay.

Pero nangyari ang pagkawala ng paningin ng 95 years old na ama noong bata pa ang aktres at nagsisimula pa lang din gumawa ng pangalan sa industriya ng entertainment.

Malungkot niyang kuwento kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito na in-upload nitong Miyerkules.

“’Yun ang pinanghihinayangan ko sa buong buhay ko lalo na dati nu’ng peak ko, halos lahat ng part ng EDSA may billboard ako sunud-sunod.

“Siguro kalahati ng Pilipinas alam ‘yung mukha ko. Pero ‘yung tatay ko hindi alam ang mukha ko,”naluhang sabi ng aktres.

“’Yun ang pinanghihinayangan mo, sobra?” tugon ni Ogie.

Hindi na napigilan ni Angel ang maluha, “Oo, kami nu’ng kapatid kong bunso rin. Kasi hindi na siya nakakita nu’ng nagdalaga na ako.

“Basta mayroon siyang TV kahit hindi siya nakakakita. Pag may mga teleserye ako nanonood ‘yan ganyan. Pag may mga balita sa akin sa radyo nakikinig ‘yan. Minsan mas alam pa nga niya ‘yung mga nangyayari kaysa sa akin siyempre pag busy tayo hindi naman natin na napapakinggan, di ba?

“Siya (daddy niya) updated pa rin siya, gumagawa siya ng paraan para maging alam mo ‘yun para maging involved pa rin sa buhay ko,”pahayag ni Angel.

Dito na ikinuwento ni Angel ang dahilan kung bakit nawalan ng paningin ang pinakamamahal na ama.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

 

“Nagkaroon siya ng retinal detachment, parang first year high school o elementary at doon na lang namin nalaman noong nagpa-laser siya. ‘Yung isang mata niya pala matagal nang bulag hindi niya sinasabi sa amin.

“Nu’ng tinanong namin kung bakit hindi niya sinabi sa amin, sabi lang niya, ‘hindi naman kailangang sabihin.’

“Hindi siya naga-ano (hanap) ng simpatiya o excuses, wala, sabi lang niya ‘nagpa-function naman ako.’

“So, nagpa-laser siya after three years nagkaroon na ng retinal detachment hindi na talaga kaya. Tapos nu’ng time na ‘yun may mga puwedeng treatments pa pero hindi ko pa kaya ‘yung time na ‘yun,” sabay tawa para pigilan ang pagpatak ng mga luha.

Ano ang mga naalalang kabayahihan ng tatay nina Angel?

“Marami, dati swimmer ako. Si daddy siya lang ‘yung only parent na nakatayo hanggang matapos ‘yung training namin sa gilid ng pool, ‘yung iba (parents) nakaupo lang, siya nagbabantay talaga.

“So, alam niya kung nandadaya ako sa laps ko. Alam niya kung tinatamad ako nu’ng araw na ‘yun. ‘Yung oras niya na ginugugol lang niya sa akin talaga, nakabantay siya sa akin.

“Nu’ng bata ako sinasabi ko (sarili ang higpit-higpit naman nito parang ganu’n ‘yung dating tapos ngayon mare-realize mon a hindi pala ganu’n karami ang mga oras natin.

“Yung oras na ibinigay sa atin ng tao malamang mas marami siyang gustong gawin na hindi nya ginagawa kasi gusto niyang kasama ka niya, nakatutok siya talaga sa ‘yo,” balik-tanaw ni Mrs. Neil Arce.

At inamin na rin ni Angel na ang daddy niya ang humahawak ng finances niya dahil magaling ito sa Math at lahat silang magkakapatid ay ang ama ang kanilang tanungan.

Sa kasalukuyan ay ang kapatid ni Angel na si Ela Colmenares kasama ang mga anak nito at ibang kapatid ang kasama ng daddy nila sa nabiling bahay ng aktres sa may Quezon City pero hindi matatapos ang araw na hindi nag-uusap o kumustahan ang mag-ama.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

Angel Locsin hinikayat ang publiko na kilatising mabuti ang politiko: Para sa sarili n’yo

Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending