Angel Locsin hinikayat ang publiko na kilatising mabuti ang politiko: Para sa sarili n’yo
NANAWAGAN sa publiko ang aktres na si Angel Locsin ukol sa mga kandidato na tatakbo sa nalalapit na May 2022 elections.
Sa kanyang social media pages ay nag-post ang aktres ng larawan na may “Never Again” phrase kasabay ng kanyang paalala sa madlang pipol.
“Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko,” saad ng aktres.
Dagdag pa niya, iwasan raw iboto ang mga pulitiko na may mga hindi magandang pag-uugali.
“Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.”
Sey pa ni Angel, “Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag isipan rin kung sino ang susuportahan!”
View this post on Instagram
Marami naman sa mga netizens ang sumuporta sa paalala ng aktres.
“The fight of our lives! Tumitindig kasama mo, Ate!’ comment ng isang IG user.
Sey naman ng isa, “I love you Gel di magbabago yun kahit magkaiba tayo ng paniniwala at gustong iboto, mahal pa rin kta at di ako mgsasawang suportahan ka…”
“Dun tayo sa hindi magnanakaw, hindi corrupt at hindi sinungaling. Wag maging uto uto,” giit naman ng isa pang netizen.
Isa si Angel Locsin sa mga artista na kilala sa kanyang hayagang pagbabahagi ng kanyang paninindigang pulitikal.
Bukod pa rito, kilala rin ang aktres sa kanyang mga adbokasiya at pagtulong sa kapwa.
Kamakailan lang ay nag-donate si Angel ng P2 million sa opisina ni Vice President Leni Robredo para sa mga taong nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao noong Disyembre 2021.
Related Chika:
Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na
Bakit nga ba nag-offer si Angel ng kwarto kina Chito Miranda?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.