#AyawPaawat: Vic, Coney nagpakita ng suporta sa anak na si Vico Sotto | Bandera

#AyawPaawat: Vic, Coney nagpakita ng suporta sa anak na si Vico Sotto

Therese Arceo |March 26,2022
facebook
share this

#AyawPaawat: Vic, Coney nagpakita ng suporta sa anak na si Vico Sotto

Therese Arceo - March 26, 2022 - 11:49 AM

#AyawPaawat: Vic, Coney nagpakita ng suporta sa anak na si Vico Sotto

SA kabila ng patuloy na banta ng COVID-19, nagpakita pa rin ng pagsuporta sina Vic Sotto at Coney Reyes kay Pasig City Mayor Vico Sotto na muling tumatakbo sa pagka-alkalde ngayong eleksyon.

Sa kick-off campaign ni Mayor Vico na naganap sa Pasig Mega Market, present ang dalawa para iparamdam ang pagmamahal at para ikampanya ang kanilang anak.

Isa sa mga unang nagsalita ay ang ina niyang si Coney Reyes na inalala ang huli nilang pagkikita ng mga Pasigueño noong 2019.

“Maraming maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong napakainit na suporta sa anak ko at sa buong konseho,” saad niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coney Reyes (@coneyreyes)

 

Samantala, si Vic Sotto naman ang pormal na nagpakilala kay re-electionist Pasig Mayor Vico Sotto.

“Sana po tuloy tuloy ang ating suporta, tuloy tuloy ang ating pagmamahal nang sa gano’n, tuloy tuloy ang agos ng pag-asa dito sa Pasig.

“Tuloy tuloy rin ang pag-aayos ng gobyerno. Isang pamumuno na malinis, tapat, at ang iniisip lang ay ang kapakanan ng mga Pasigueño,” saad ni Vic.

Birong dagdag pa niya, “Hindi ko na po pahahabain pa ang aking talumpati ngayong umaga dahil baka sa ganda ng aking talumpati, ako’y iboto n’yo bilang bise presidente. Alam n’yo na kung sino ‘yun.”

Ang tinutukoy nito ay ang kanyang nakatatandang kapatid na si vice presidential candidate Sen. Tito Sotto.

Trending naman ng Instagram story ni Mayor Vico kung saan makikita ang larawan ng kanyang mga magulang.

Aniya, “Special guests na hindi nagpapaawat kahit sabihan namin na mag-ingat muna at wag sumama sa may crowd.”

Tila hindi naman alintana nina Coney at Vic ang patuloy na banta ng nakahahawang sakit basta’t maipakita lang ng mga ito sa kanilang anak na buong-buo ang kanilang suporta para sa kanya.

Kahit sino naman sigurong magulang ay mas uunahin ang kanilang anak kaysa sa pansariling interes idagdag pa rito na talaga namang nakaka-proud maging anak si Vico sa dami ng magagandang nagawa nito para sa lungsod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami rin sa mga netizens ang bumilib sa dalawa dahil sa naging maayos nilang pagpapalaki sa alkalde sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

“My grandest salute to Ms. Coney Reyes for raising her son very well. Npkabait, mpgkumbaba, marespeto sa kapwa, may delikadesa, masipag at matalino. All the endearing and positive qualities of a leader that the Filipinos deserve,” sey ng netizen.

“You have been raised well by your parents. Kahit ako’y hindi mo magulang, nakaka proud na taga Pasig ako dahil sa serbisyo mong tapat,” dagdag pa ng isang netizen.

Related Chika:
Vico Sotto muling tatakbo bilang alkalde ng Pasig City
Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot
Ano kaya ang trabaho ni Vico ngayon kung hindi siya nanalong mayor ng Pasig?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending