Sharon nag-sorry sa lahat ng nasaktan sa ipinost laban kay Panelo: Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo | Bandera

Sharon nag-sorry sa lahat ng nasaktan sa ipinost laban kay Panelo: Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo

Ervin Santiago - March 24, 2022 - 09:28 PM

Sharon Cuneta nag-sorry sa isyu ng 'Sana'y Wala Nang Wakas'

Sharon Cuneta

“BUGBOG na bugbog na ang issue at ayoko na sana dagdagan.” Ito ang bahagi ng mahabang pahayag ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa kontrobersyal na kanta niyang “Sana’y Wala Nang Wakas.”

May kinalaman ito sa pagkanta ni senatorial candidate at dating chief presidential legal counsel  Salvador Panelo sa classic hit ni Mega sa isang campaign rally.

Hindi kasi nagustuhan ng OPM at movie icon ang paggamit ni Panelo sa nasabing kanta sa pangangampanya niya sa Davao City kamakailan.

Dahil dito, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng Megastar hindi lang sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya celebrities.

Ngayong araw, nag-post si Sharon sa Instagram at Facebook tungkol sa issue at nilagyan niya ito ng titulong “Sana’y Wala Nang Wakas.”

“I thought long and hard about whether I should write this, kasi bugbog na bugbog na ang issue at ayoko na sana dagdagan.

“But I decided to, because in the end, it’s the truth that matters, to me and to those of you who’d care to know it. I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s.

“I thought that since I said ‘I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant)’, people would understand why I reacted in such a way. Truth is, I felt slighted.

“Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako.

“Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa,” ang pag-amin ng actress-singer.

Patuloy pa niya, “Ngayon lahat na ng masasakit na salita ginagamit sa akin ng ibang tao. My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows. Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino.

“In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka. Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido.

“Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo kahit na madami na ang humiling na tumakbo ako for public office since I was in my twenties.

“Actually, iniisip ko nga kung kailan ako nagdamot ng kahit ano. Wala akong maisip. Mula nung bata ako mas masaya ako sa pagbibigay kesa nagtatago ng puedeng ibigay. Kanta ko pa kaya?

“Hindi ko rin naman alam noon na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko. At balita ko, gagamitin na daw niya ito ‘to raise awareness on the needs of special children.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin yon. Remember – I have been helping and supporting children with special needs since 1993. I was even named Honorary Chairperson by the Chosen Children Village Foundation.

Aniya pa, “It is people who don’t know me personally who have been so quick to attack and call me names. Even those whom I thought knew me well enough and loved me have joined their party.

“But it is during times like these when you find out who your real friends are – those who sincerely care about you and tell you what they think.

“So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner – no matter what,” sabi pa niya.

Kasunod nito, humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang mga tagasuporta, “I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you. Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako?

“Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko. Alam niyo, nung araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat pag ang feeling ko pagbabangga o pag ‘kalabit’ sa akin in a bad way. Napagod ako, natutong sumagot, lumaban.

“Lalo na pag pamilya ko ang involved na akala mo kung pagsalitaan kami, para naman nakapatay kami ng tao. But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional.

“Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy. I made a mistake. And thinking back, whenever I have made a mistake on social media, it was always a reaction to something said or done against me.

“I have never started anything negative. I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter. What does is that those of you who love me know that this is from my heart. And that I am grateful for you.

“God knows because He sees everything. Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo. God bless us all. I love you. Thank you so much for your time (praying hands ar heart emojis),” pagtatapos ni Sharon.

https://bandera.inquirer.net/289950/julia-hindi-pa-nagte-taping-sa-probinsyano-pero-bugbog-na-bugbog-agad-kay-coco
https://bandera.inquirer.net/282152/ayoko-nang-bumalik-sa-paghihirap-hello-nagbabad-na-ako-dun-nang-bongga

https://bandera.inquirer.net/281136/heart-sa-may-mga-mental-health-issue-its-ok-not-to-be-ok-normal-lang-na-hindi-ka-perfect

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending