Nadine Lustre manalo kaya uling best actress sa comeback movie niyang 'Greed'? | Bandera

Nadine Lustre manalo kaya uling best actress sa comeback movie niyang ‘Greed’?

Reggee Bonoan - March 24, 2022 - 07:22 AM

Nadine Lustre at Diego Loyzaga

Nadine Lustre at Diego Loyzaga

INSPIRED by true story pala ang pelikulang “Greed” na sinulat at idinirek ni Yam Laranas na pagbibidahan nina Diego Loyzaga, Epy Quizon at Nadine Lustre mula sa Viva Films.

Ang nasabing pelikula ang unang ginawa ni Nadine pagkatapos ng “Ulan” noong 2019 na idinirek naman ni Irene Villamor kung saan nakasama niya si Carlo Aquino.

Sa nasabi ring pelikula nakuha ni Nadine ang ikalawa niyang FAMAS best actress award. Ang unang trophy niya ay para sa pagganap niya sa “Never Not Love You”.

Base sa kuwento ng direktor ay mahilig tumaya ng lotto ang daddy niya na hindi naman kalakihan ang napapanalunan pero ipinamamahagi niya ito sa mga nangangailangan.

Aniya, “I wrote Greed for my Dad. The story was written days after he passed. He likes lotto as a fun hobby. Nanalo naman kahit maliit na maliit lang (a few times) at namimigay. ‘Tataya ako sa Lotto, ‘we always here him say.’ At mamimigay ako sa panalo ko.”

Hunyo noong 2020 ito natapos sulatin ni direk Yam, “My dad passed on last May then wrote the story ng June and shot early November.”

Ganu’n kabilis gumawa ng pelikula ang direktor na sa loob lamang ng limang buwan mula nang sulatin niya ang script ay nabuo na niya ito ng Nobyembre.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Samantala, gagampanan ni Nadine ang karakter na Kichi at si Diego bilang si Tomi. Ang nasabing mga pangalan ay hango sa Japanese classic story na “Floating Weeds” (1953).

Tinanong namin si direk Yam kung mauulit ba ang pagkapanalo ni Nadine ng best actress dahil ang huli nga nitong pelikulang “Ulan” ay nagwagi siya.

“It is my wish that her acting talent and fantastic performance in Greed will be recognized and hopefully rewarded by the award-giving bodies. I know Nadine’s job as an actor helped made the film,” pahayag ng direktor.

Sa kasalukuyan ay wala pang playdate ang “Greed” pero may mga napanood na kaming trailer nito at kaabang-abang na naman ito sa Vivamax soon.

https://bandera.inquirer.net/307382/nadine-lustre-puring-puri-ni-yam-laranas-bilang-aktres-masunurin-siyang-artista-i-like-that

https://bandera.inquirer.net/305347/nadine-diego-super-intense-sa-greed-vivamax-tuloy-ang-pag-ariba-ngayong-2022

https://bandera.inquirer.net/306735/may-ari-ng-rest-house-sa-pola-mindoro-na-wow-mali-habang-nagsu-shooting-si-xian-lim

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending