Pauline Mendoza 6 years na sa showbiz: Ang natutunan ko talaga laging magpakumbaba, be nice, be kind Bandera

Pauline Mendoza 6 years na sa showbiz: Ang natutunan ko talaga laging magpakumbaba, be nice, be kind

Ervin Santiago |March 24,2022
share this

Pauline Mendoza 6 years na sa showbiz: Ang natutunan ko talaga laging magpakumbaba, be nice, be kind

Ervin Santiago - March 24, 2022 - 07:40 AM
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza

ANIM na taon na ang Kapuso actress at “Widow’s Web” star na si Pauline Mendoza sa showbiz at marami na rin siyang maipagmamalaking achievements bilang artista.

In fairness, isa ang dalaga sa maituturing na masuwerteng artista ngayong panahon ng pandemya dahil patuloy pa rin siyang nabibigyan ng magagandang projects sa GMA 7.

Kabilang na nga riyan ang umeere ngayong Kapuso primetime series na “Widows’ Web” kung saan nakikipagtagisan ang dalaga sa kanyang mga co-stars pagdating sa aktingan.

Isa ang kanilang serye sa talagang tinututukan ngayon ng mga manonood dahil sa nakaka-excite at nakakawindang na kuwento nito kaya naman patuloy pang tumataas ang kanilang rating gabi-gabi.

Sa panayam ng GMA Network, nai-share ni Pauline ang biggest lesson na natutunan niya sa loob ng anim na taong pananatili showbiz. Unang-una na raw diyan ang pagiging humble o pagpapakumbaba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pauline Mendoza (@paulinemendoza_)


“Siguro ang tumatak sa akin for the past six years I’ve been with GMA is that it doesn’t matter kahit gaano ka na katagal or kahit marami ka nang na-experience, kailangan magpakumbaba ka pa rin. ‘Yun ang lagi nilang sinasabi sa akin,” pahayag ni Pauline sa nasabing interview.

Patuloy pa ng aktres, “Just stay humble all the time. Be nice, be kind. Bati ka, lalo na sa mga senior artist mo, senior co-actors mo.

“And, of course, hard work pa rin, keep striving, learn more para magkaroon ka ng mga bagong experiences.

“May mga matututunan kang bago kasi throughout the process naman, kailangan lagi ka may natututunan na bago. So ako, gusto ko ‘yung ganoon na mayroon akong nae-experience na bago,” aniya pa.

Nagpasalamat din siya sa mga bossing ng network at sa talent management ng GMA 7 na Sparkle dahil patuloy pa rin ang tiwala at pagmamahal ng mga ito sa kanya.

“Sa buong six years ko, ang ganda ng projects na ibinibigay nila sa akin. I swear, sobrang grateful ko talaga. Sobrang blessed ko kasi ang ganda ng mga proyekto na nasimulan ko noong baguhan pa ako.

“And hanggang ngayon baguhan pa rin naman ako. Sobrang ganda ng mga binibigay nila sa akin na opportunities, projects, story ang ganda. I’m really grateful for that,” pahayag ng aktres.

Abangan ang susunod na mga pasabog ng karakter ni Pauline sa “Widow’s Web” bilang si Elaine Innocencio, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, Ashley Ortega at marami pang iba.

Pauline Mendoza nagpapayat para sa ‘Widow’s Web’: Una kong mature role at may asawa na ako rito

Carmina, Ashley patalbugan ng akting sa ‘Widow’s Web’; batuhan ng linya pak na pak sa manonood

EA na-challenge sa bagong role sa ‘Widow’s Web; kulitan nina Mikael at Megan sa ‘The Best Ka’ pak na pak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending