Xian Gaza binalaan ng netizens matapos magkomento sa bagong sports car ni Jillian Ward | Bandera

Xian Gaza binalaan ng netizens matapos magkomento sa bagong sports car ni Jillian Ward

Ervin Santiago |March 14,2022
facebook
share this

Xian Gaza binalaan ng netizens matapos magkomento sa bagong sports car ni Jillian Ward

Ervin Santiago - March 14, 2022 - 07:30 AM

Xian Gaza at Jillian Ward

Xian Gaza at Jillian Ward

NAPA-SANA all na lang ang mga fans at social media supporters ng Kapuso young actress na si Jillian Ward matapos niyang ibandera ang bagong sports car.

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang i-post ng dalagita sa social media ang pag-aari niyang BMW na talaga namang ikinamangha ng mga netizens.

At ngayon nga ay mas napanganga at napa-wow pa ang kanyang mga tagasuporta nang ipakita ni Jillian ang bago niyang “baby.” Imagine nga naman, sa edad niyang 17 ay proud owner na siya ng bonggang-bonggang Porsche sports car.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng isa sa mga bida ng Kapuso afternoon series na “Prima Donnas” ang kanyang litrato na nakatayo sa harap ng Porsche na may caption na, “first sports car.”

Libu-libong netizens ang nag-like at nagkomento sa IG post ni Jillian at halos lahat sila ay nagsabing napakaswerte naman ng Kapuso youngstar dahil sa kanyang edad ay meron na siyang sasakyan na milyones ang halaga.

May ilan naman ang nagtanong kung magkano ba ang talent fee ni Jillian sa GMA at nakaipon na agad ito ng milyun-milyon para makabili ng Porsche sports car.

Inintriga rin ng tinaguriang Pambansang Marites na si Xian Gaza ang pagkakaroon ni Jillian ng super expensive na sports car.

Sa kanyang Facebook post na burado na ngayon, ipinahiwatig ng social media personality na may alam daw siya tungkol sa young actress. Aniya, “Marami akong nalalaman. Ayaw ko na lang mag-talk.”

Ipinagtanggol naman ng fans ang youngstar sa pang-iintriga ni Xian Gaza at binalaan ito na siguradong makakasuhan siya kapag may malilisyosong salita siyang sinabi laban kay Jillian dahil menor de edad nga ang bagets.

Pero para sa amin, hindi naman imposibleng makabili ng luxury car ang dalagita dahil four years old pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya bilang child star.

Ang kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7 ay ang TV adaptation ng classic movie ni Vilma Santos na “Trudis Liit.” At mula nga noon ay nagsunud-sunod na ang mga proyekto niya sa Kapuso network.

Sa ngayon ay napapanood si Jillian bilang si Donna Marie sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas” kasama sina Althea Ablan at Sofia Pablo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Jillian Ward ready na sa mature roles: Gusto kong ma-try maging mermaid

Frankie, Jillian suportado ang mga magulang sa pagtakbo sa 2022

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending