Trina Candaza naka-move on na kay Carlo Aquino, sey ni Crisha Uy: 'Yung aura mo, mas magaan na | Bandera

Trina Candaza naka-move on na kay Carlo Aquino, sey ni Crisha Uy: ‘Yung aura mo, mas magaan na

Therese Arceo - March 12, 2022 - 03:28 PM

Trina Candaza naka-move on na kay Carlo Aquino, sey ni Crisha Uy: 'Yung aura mo, mas magaan na

SUPER happy ang vlogger na si Crisha Uy matapos niyang malaman na unti-unti nang nakaka-move on si Trina Candaza sa dating karelasyon na si Carlo Aquino.

Nag-bonding ang dalawa at nagkakwentuhan tungkol sa kanilang buhay lately habang kumakain ng niluto ni Crisha.

Isa sa mga napag-usapan nina Trina at Crisha ay ang kanilang paglipat sa bagong tirahan. Halos sabay lang daw ang kanilang naging paglipat na nangyari noong Disyembre.

Bukod sa pagkakasabay sa paglipat sa bagong balur ay isa pa sa pagkakapareho nila ay ang kanilang pagkabigo sa pag-ibig.

Matatandaang si Trina ay nag-trending recently matapos kumalat ang chika na hiwalay na sila ni Carlo habang si Crisha naman ay nag-trending rin noon matapos ang paghihiwalay nila ni Joem Bascon na nakarelasyon niya ng walong taon ngunit nauwi pa rin sa paghihiwalay ang pagsasama noong 2019.

“Kung anuman nangyari sa ‘yo, hindi end of the world lagi,” saad ni Crisha nang tanungin siya ni Trina kung ano ang kanyang greatest life lessons.

“Just like you, you still moved on. Hindi porke’t something happened to you, hindi ka na mag-continue na gawin mo ang gusto mo sa buhay,” pagpapatuloy ni Crisha.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

 

Aniya, minsan daw ay magugulat ka na lang na kahit na gano’n ang nangyari ay blessing pala ito.

“Actually, minsan, magulat ka mas madami palang puwedeng mangyari. It was a blessing in disguise pala. Wow! Kaya pala may nangyaring ganitong negative kasi may papasok na positive. Hindi mo maa-appreciate until okay ka na,” sey niya na sinang-ayunan naman ni Trina.

Dagdag pa niya, “Tapos minsan, meron kang gusto pero nilalayo ka ni Lord doon kasi hindi para sa iyo yun. Meron pa siyang gustong ibigay.”

Napa-react naman si Trina na tila may naalala. “Paiiyakin mo ba ako?” pabirong saad niya.

Agad na nag-sorry naman si Crisha dahil about work ang kanyang tinutumbok.

Nagkatawanan na lamang ang dalawa ng ma-realize na may love life hugot ang nasabi ni Crisha.

Pinuri rin ni Bisaya vlogger si Trina dahil mas okay na raw ito kaysa noong una nilang pagkikita.

“Natutuwa ako na kumakain siya. Kasi noong una,” pambubuking ni Crisha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung aura mo, mas magaan na [ngayon],” dagdag pa niya.

 

Related Chika:
JM ipina-tattoo ang initials ni Crisha Uy sa braso; may relasyon na nga ba?
Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending