Sharon Cuneta naimbyerna kay Panelo sa pagkanta ng 'Sana'y Wala Nang Wakas': You don't mess with a classic | Bandera

Sharon Cuneta naimbyerna kay Panelo sa pagkanta ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’: You don’t mess with a classic

Therese Arceo |March 11,2022
facebook
share this

Sharon Cuneta naimbyerna kay Panelo sa pagkanta ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’: You don’t mess with a classic

Therese Arceo - March 11, 2022 - 09:44 AM

Sharon Cuneta nanggigil kay Panelo sa pagkanta ng 'Sana'y Wala Nang Wakas': You don't mess with a classic

HINDI nagustuhan ni Megastar Sharon Cuneta ang ginawang pagkanta ng senatorial candidate na si Salvador Panelo ng isa sa kanyang mga iconic songs na “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Ibinahagi niya ang kanyang pagkasdismayo sa ginawa ni Panelo sa Twitter nang mag-reply siya sa retweet ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan mula sa CNN Philippines na naglalaman ng video ni Panelo na kinakanta ang kanyang iconic song sa isang campaign event sa Quezon City.

“WHY?!!!Tell me WHY?!!!I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be,” saad ni Sharon.

Dagdag pa niya, “Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya.”

 

 

Maging sa Instagram at Facebook ay hindi rin napigilan ni Sharon ang maglabas ng saloobin ukol sa “pambabastos’ ni Panelo sa kanya maging sa nagsulat nito na si Willy Cruz.

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way,” saad niya sa kanyang caption.

Pagpapatuloy ni Sharon, “Kidding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-Presidentiable’s political opponents while campaigning. On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa isang pang tweet ay nagbabala ang Megastar na huwag nang gamitin ang kanyang kanta maging ang kanta ni Ely Buendia dahil kung gagawin daw ito ay magkakarooon na ng “gera”.

 

 

Related Chika:
V-day hugot ni Sharon: Binabati ko lahat ng nagmamahalan diyan…kuryente, tubig, gasolina, pagkain, hello sa inyo!
Sharon Cuneta kinilig kay Cher, Frankie nag-react: Ang rupok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending