Sharon Cuneta kinilig kay Cher, Frankie nag-react: Ang rupok
HINDI napigilan ni Megastar Sharon Cuneta ang mag-fan girl matapos magpahayag ng suporta ng American pop icon na si Cher sa pagpapaigting ng women empowerment.
“Let women do it,” saad ni Cher sa kanyang Twitter account. Sinundan pa ito ng tila pagsuporta ng pop icon sa kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo.
May isang netizen kasi ang nag-chika sa pop icon kung sino si Leni at dahil nga isa sa mga adhikaing sinusuportahan nito ay ang women wmpowerment, may ilan na tila inakalang ine-endorso ni Cher ang presidential candidate.
Nang mabasa naman ni Sharon ang naging tweet ni Cher ay hindi agad nito mapigilan ang kilig at nakisama na rin sa mga netizens na naki-reply sa American pop icon.
“From the one and only [Cher]! We love you so much! Thank you!” saad ng Megastar.
Bukod rito ay ipinakilala rin ni Sharon sa kanyang tweet ang asawang si Senator Kiko Pangilinan at sinabing siya ang running mate ni VP Leni Robredo.
“Thank you, @cher!!! My husband is running as Leni’s Vice-President and they are a wonderful, honest, God-fearing, knowledgable team! We love you!” sabi ng Megastar ba may pa-hashtag na “#WomenPower”.
Ngunit sa kabila naman ng kanyang pagpa-fangirl ay hindi napigilan ni Frankie na asarin ang kanyang ina.
“Hala ang rupok,” saad ni Frankie sa kanyang quote tweet mula kay Sharon.
Marami naman ang naaliw sa biro ni Frankie sa ina.
“Kakie = #1 supporter, also Kakie = #1 basher,” saad ng netizen na may username na @attaphile.
Sey naman ni @nashnacion, “As a Sharonian, di kita ire-repory at anak ka niya.”
“Aawayin sana kita ikaw pala yan, Kakie,” hirit naman ng isang supporter ni Sharon.
Muntikan pa nga raw na ma-report ang account ni Frankie dahil sa kanyang comment sa Megastar.
Sa ngayon ay wala namang reply si Cher sa mga tweets ni Sharon sa kanya.
Related Chika:
Sharon emosyonal sa b-day message kay Frankie: I feel so privileged to have been chosen by God to be your mother
Frankie nilait-lait na naman ng basher: Nakakapagod na po, minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.