'The Broken Marriage Vow' parody ni Christian Antolin, viral! Bandera

‘The Broken Marriage Vow’ parody ni Christian Antolin, viral!

Therese Arceo |March 10,2022
share this

‘The Broken Marriage Vow’ parody ni Christian Antolin, viral!

Therese Arceo March 10, 2022 - 11:51 PM

The Broken Marriage Vow parody ni Christian Antolin, viral!
HANGGANG ngayon ay bentang-benta pa rin ang parody video ng teleseryeng “The Broken Marriage Vow” dinner confrontation scene na ginawa ni Christian Antolin.

Matapos umere ang naturang intense episode noong Lunes kung saan isang palaban na Dr. Jill (Jodi Sta. Maria) ang napanood ng mga netizens, marami ang sumubok na gayahin ang naturang nakakagigil scene ngayong 2022.

Pero taliwas sa original version ang ginawa ni Christian dahil imbes na manggigil ay talagang hahagalpak ka sa kakatawa.

Pinalitan ni Christian si Jodi Sta. Maria at maging ang kwento ay pinalitan nito pero talagang swak pa rin ang ganap sa batuhan ng linya mula sa original scene.

Ang original scene kasi ay patungkol sa pagsisiwalat ni Dr. Jill sa mga magulang ni Lexy (Sue Ramirez) tungkol sa itinatagong relasyon nito sa kanyang asawang si David (Zanjoe Marudo) pero sa naturang parody ay bukod sa pasabog na may relasyon ang dalawa ay ibubuking ni Christian na gumaganap bilang si Dr. Jill ang pagkalulong ng mga ito sa talpakan o online sabong.

Talagang nakakaaliw ang naturang video dahil bukod sa pag-arte ng content creator ay talagang nakakabilib ang ipinakitang editing skills nito na para bang talagang kinunan ang naturang video sa naturang set ng “The Broken Marriage Vow”.

Comment ng isang netizen, “Galing mo talaga idol. You made my day… Galing mo umarte sa camera. I think you will be great actor/actress kahit ano! Galing mo po magdala!”

“Dami kong tawa! (laughing emojis) Best scene yan sa the broken marriage vow!” sey naman ng isa pa.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na gumawa ng parody video si Christian dahil bago pa ito ay may mga clips rin mula sa naturang teleserye na uploaded sa kaniyang mga social media accounts.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Antolin (@chrisantol)

 

 

Related Chika:
Jodi na-‘Broken Marriage Vow’ din sa tunay na buhay: Isa ‘yun talaga sa pinaka-painful…
Jodi may natutunan sa karakter bilang Dra. Jill Ilustre: There is always a life after a heartbreak
Sue Ramirez: The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending