Sue Ramirez: The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao | Bandera

Sue Ramirez: The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao

Ervin Santiago |January 18,2022
facebook
share this

Sue Ramirez: The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao

Ervin Santiago - January 18, 2022 - 07:28 AM

Sue Ramirez

HANDANG-HANDA na ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez na kainisan, isumpa at batuhin ng masasakit na salita ng mga manonood kapag umere na ang seryeng “The Broken Marriage Vow.”

Sigurado raw ang dalaga na talagang panggigigilan ng mga Kapamilya viewers ang gagampanan niyang karakter sa nasabing teleserye.

Kabit ang role ni Sue sa “The Broken Marriage Vow” bilang si Lexy Lucero — siya ang magiging other woman ni David Ilustre na gagampanan ni Zanjoe Marudo na asawa naman ni Dr. Jill Ilustre to be played by Jodi Sta. Maria.

Pero ayon kay Sue, hindi naman siya natatakot ma-bash ng mga netizens na susubaybay sa kanilang drama series nang dahil sa galit ng mga ito kay Lexy Lucero.

“Sa totoong buhay, hindi ako natatakot na ma-bash kung ang basehan naman ay character. The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao. At least, na-appreciate nila ’yung ginawa ko dun sa character,” pahayag ni Sue.

Aniya pa, “Alam ko naman na pagbinash nila ako, bina-bash siguro nila si Lexy. Pero hindi si Sue.”

“Tatanggapin ko po lahat. Hindi po ako para pigilan sila sa nararamdaman at gigil nila sa mga character na gagampanan namin sa ‘The Broken Marriage Vow.’ Go, guys. Sasali pa kong mambash,” ang birong chika pa ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


Pero natatawang pakiusap ng dalaga sa madlang pipol, huwag naman daw masyadong manggigil ang viewers at sana raw ay walang mang-away at manghataw sa kanya ng payong dahil sa galit ng mga manonood kay Lexy. 

“Nananawagan po ako sa lahat. Kalma lang po tayo. May pandemic po ngayon. ’Wag po masyadong manggigil. Ang mga puso po ninyo,” chika ng dalaga.

Samantala, inamin din niya na matinding challenge at preparasyon din ang hinarap at ginawa niya para mabigyan ng hustisya ang role niya sa “The Broken Marriage Vow” lalo’t ibang-iba raw ang personalidad ni Lexy sa kanya in real life.

“Iba kami maglakad, iba kami mag-isip, iba kami magsalita. So, talagang malaking-malaki ’yung adjustment na kailangan kong gawin,” aniya pa. 

Bukod sa pag-aaral ng yoga dahil nga instructor siya sa serye, kinarir din niya ang iba pang aspeto ng personalidad at pagkilos ni Lexy.

“Physically kailangan ko rin i-prepare ’yung sarili ko kasi may tindig e. May nire-require na postura si Lexy sa akin na nakatulong din naman sa akin.

“On a normal day, kuba po talaga ako, lagi ako naka-slouch. Natulungan ako ni Lexy na maging finesse. Kaya ko naman pala,” pahayag pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa iba’t ibang ABS-CBN platform ang “The Broken Marriage Vow” simula sa Jan. 24.

Sue Ramirez ni minsan ’di naramdamang pangit siya

Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending