Ruru Madrid naaksidente sa taping ng 'Lolong', napuruhan ang kanang paa: I'm very sad... Bandera

Ruru Madrid naaksidente sa taping ng ‘Lolong’, napuruhan ang kanang paa: I’m very sad…

Ervin Santiago |March 08,2022
share this

Ruru Madrid naaksidente sa taping ng ‘Lolong’, napuruhan ang kanang paa: I’m very sad…

Ervin Santiago - March 08, 2022 - 10:52 AM

Ruru Madrid

NAAKSIDENTE ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid habang kinukunan ang isang maaksyong eksena sa upcoming primetime adventure-action series ng GMA 7 na “Lolong”.

Nagdesisyon ang produksyon ng programa na pagpahingahin muna ang aktor sa kanilang lock-in taping matapos ang insidente.

Ayon kay Ruru, nagkaroon siya ng minor fracture sa kanang paa habang ginagawa ang isang action stunt sa “Lolong” na malapit nang umere sa GMA Telebabad.

Kuwento ng Kapuso actor, na-out balance raw siya sa isang eksena at medyo napuruhan ang kanan niyang paa. 

“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto ko pang i-perfect yung scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, ‘In this take, tataasan ko na siya,’” pahayag ni Ruru sa panayam ng “24 Oras.”

Patuloy pa niya, “Habang ginagawa ko siya, nagulat ako doon sa sarili ko na ganoon kataas yung take off ko.

“Kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist yung right foot ko. Di ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit,” aniya pa.


Mabilis namang rumesponde ang medical staff na nasa set para tulungan ang aktor. Agad na dinala  sa pinakamalapit na ospital si Ruru mula sa kanilang lock-in taping location.

Base sa resulta ng X-ray ni Ruru, nagkaroon nga siya ng minor fracture sa paa. Ayon sa doktor na tumingin sa binata, kailangan muna niyang mag-rest ng dalawa hanggang anim na linggo.

Sabi ni Ruru, sayang na sayang daw dahil anim na araw na lang ay tapos na sana nila ang kanilang lock-in taping pero dahil sa nangyaring aksidente ay madi-delay na naman ang kanilang trabaho.

Todo naman ang pasasalamat ng aktor sa produksyon at mga katrabaho sa serye dahil naiintindihan ng mga ito ang nangyari. 

“I’m very sad. Ayoko po kasi ng because of me, made-delay yung trabaho but hindi naman po ‘yon pinaramdam ng mga tao po dito sa set,” sey ni Ruru.

Nag-promise naman ang binata na handa niyang gawin ang lahat para mas mapabilis ang kanyang pag-recover para matapos na niya ang lahat ng mga eksenang kailangan niyang gawin sa “Lolong.”

Ilan sa mga makakasama ni Ruru sa nasabing programa ay sina Shaira Diaz, Christopher de Leon  Jean Garcia at ang 22-feet animatronic crocodile na si “Dakila.”

Ruru Madrid biglang nagbago ang itsura, nagparetoke nga ba ng ilong?

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending