Cristy Fermin naawa kay Kim matapos ma-bash dahil sa Russia-Ukraine invasion | Bandera

Cristy Fermin naawa kay Kim matapos ma-bash dahil sa Russia-Ukraine invasion

Therese Arceo - March 03, 2022 - 05:03 PM

Cristy Fermin naawa kay Kim matapos ma-bash dahil sa Russia-Ukraine invasion

TRENDING na naman ang TV host-actress na si Kim Chiu matapos mag-viral ang kanyang Instagram story patungkol sa kanyang panonood ng video clips sa nagaganap na Russia-Ukraine invasion.

Sey ng Kapamilya star, “‘Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine. Wala lang gusto ko lang magets. Now I know, grabe pala.”

“Infairness sa Tiktok, dami mo makukuhang info, news and all. La lang, share ko lang. Baka madami rin curious about it like me,” dagdag pa ni Kim.

Agad namang na-pick up ng mga news channels ang kanyang IG story kaya naman nagulat ang dalaga at sinabing “Bakit healine to???! Parang di naman dapat, lang kwenta naman! Shinare ko lang sa umaga! Like usual. Mali ba?”

Tila marami naman ang naimbyerna kay Kim dahil tila naging insensitive ang aktres.

Sa isang post ng isang netizen, “As if random lang ang topic na binuksan mo. No, Kim. People are dying. It’s either you talk about it seriously or don’t. Don’t make it about yourself.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Chika naman ni Cristy Fermin, marami naman daw ang nainis sa aktres dahil feeling “profound” daw ito pero sablay naman ang napiling source ng information.

“Maraming nam-bash kay Kim na nagsasabing nagpapaka-profound siya. Nagkukunwaring malalim at matalino samantalang mababaw lang naman talaga siya.

“Doon siya pinutakti ng pamba-bash. Bakit daw sa TikTok ang pinanonood niya? Alam daw naman niyang maraming fake news sa TikTok? Mayaman naman daw siya. Wala ba siyang internet para magkaroon siya ng tamang source ng balita?” saad ni ‘Nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman hindi maiwasan ng kolumnista ang makaramdam ng awa para sa Kapamilya star.

“Nakakaawa naman si Kim. Pero kung mga tamang programa ang kanyang tinututukan tungkol sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay malalaman niya na pananakop ang dahilan ng digmaang ito,” sey pa ni ‘Nay Cristy.

Related Chika:
Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!
Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!
Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!
Kim Chiu napuyat kakanood ng videos ukol sa Russia at Ukraine: Pray for world peace!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending