Kim Chiu napuyat kakanood ng videos ukol sa Russia at Ukraine: Pray for world peace!
MARAMI ang nababahala sa kasalukuyang nagaganap na invasion ng bansang Russia sa Ukraine kaya naman maski ang aktres na si Kim Chiu ay curious kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa pagitan ng bansa.
Kaya naman minabuti ng TV host-actress na mag-search at alaming mabuti kung ano ba ang pinanggalingan nito at kung ano na ang kasalukuyang nangyayari sa Ukraine buhat nang magdesisyon ang presidente ng Russia na si Vladimir Putin na simulan ang pag-atake sa Ukraine.
“Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine. Wala lang, gusto ko lang ma-gets. Now I know… Grabe pala,” saad ni Kim sa kanyang Instagram story kasama ang kanya selfie na halatang puyat at tila mugto pa ang kanyang mga mata.
Dagdag pa ng aktres, “Infairness sa TikTok dami mo makukuhang info, news, and all. La lang share ko lang. Baka madami din curious about it like me.”
Sa sumunod pa niyang IG story ay ibinahagi rin ni Kim ang isang TikTok video at sinabing “Pray for Ukraine. Pray for Russia. Pray for world peace.”
Sa ngayon ay patuloy na nakararanas ng pag-atake ang bansang Ukraine at marami na nga sa mga residente ng Kyiv, capital ng bansa, at pati na rin sa iba pang bahagi ng bansa ang nagmamadali at nagkukumahog na makalikas at makahanap ng mas ligtas na lugar.
May video rin na kumakalat sa social media kung saan napilitan nang magpaputok ng baril ang mga guards sa central train station upang mag-disperse ang mga tao.
Samantala, dumidistansya na rin ang ilang events mula sa Russia kabilang na ang Eurovision.
View this post on Instagram
Related Chika:
Mel isinakripisyo ang kaligayahan kapalit ng buhay ni Kris; celebs nangakong ipagdarasal si Tetay
Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.