Ellen Adarna handa na bang magbuntis para sa 1st baby nila ni Derek Ramsay? | Bandera

Ellen Adarna handa na bang magbuntis para sa 1st baby nila ni Derek Ramsay?

Therese Arceo |February 22,2022
facebook
share this

Ellen Adarna handa na bang magbuntis para sa 1st baby nila ni Derek Ramsay?

Therese Arceo - February 22, 2022 - 05:15 PM

Ellen Adarna handa na bang magbuntis para sa 1st baby nila ni Derek Ramsay?
MARAMI ang excited kung kailan nga ba magkakaroon ng little angel ang mag-asawang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos ang kanilang kasal noong Nobyembre 2021.

Ilan nga sa mga supporters ng mag-asawa ang looking forward kung kailan nga ba magkakaroon ng little sibling si Elias, anak ni Ellen sa kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Sa kanyang Instagram account kung saan aktibo siya ay nagsagawa ang aktres ng Q&A kung saan buong tapang niyang sinagot ang tanong ng isang netzen tungkol sa pagbubuntis.

““Are u and Derek planning to have a baby soon?” tanong sa kanya ng netizen.

““When we are both ready dai, it will happen. Chill,” sagot naman ni Ellen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Tatlong buwan na buhat nang magpakasal ang dalawa noong Nobyembre 11 sa isang private resort sa Bagac, Bataan.

Matatandaang naging usap-usapan noon kung nagdadalangtao nga ba si Ellen Adarna dahil sa naging biro ni Derek nang sorpresahin siya nito ng mini cake noong nagdiwang siya ng kanyang birthday nitong December.

Bagamat hindi totoo ang chika ng pagbubutis ng aktres ay looking forward naman si Derek na magkaroon na sila ng baby.

“Do I plan to have kids? Yes. Well, probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl,” saad ng aktor sa Q&A segment sa Instagram.

Naka-set na mag-honeymoon ang dalawa ngayong taon sa Africa kung saan isasama nila si Elias.

Related Chika:
Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?
‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending