Aljur Abrenica nilinaw ang viral hotel photos kasama si AJ Raval: Kumain lang kami at nagbihis | Bandera

Aljur Abrenica nilinaw ang viral hotel photos kasama si AJ Raval: Kumain lang kami at nagbihis

Therese Arceo |February 19,2022
facebook
share this

Aljur Abrenica nilinaw ang viral hotel photos kasama si AJ Raval: Kumain lang kami at nagbihis

Therese Arceo - February 19, 2022 - 11:52 AM

Aljur Abrenica nilinaw ang viral hotel photos kasama si AJ Raval: Kumain lang kami at nagbihis

NAGSALITA na ang aktor na si Aljur Abrenica patungkol sa kumakalat nilang larawan ng aktres na si AJ Raval sa social media.

Nag-trending kasi ang dalawa natapos mag-viral ang kanilang larawan na magkasamang nagpunta sa isang hotel and resort sa Leyte noong Araw ng mga Puso.

Sa naganap nilang virtual press conference para sa kanyang pelikulang “Mamasapano: Now It Cab Be Told”, nilinaw niyang invited lamang sila sa event para sa launching ng isang radio station.

“We were blessed to grace their inauguration, may bago silang bukas na radio station. E, wala, trabaho ‘yun. Pupuntahan ko,” saad ni Aljur.

Aniya, nagulat rin daw siya nang may mga balitang kumalat na nag-stay pa raw sila ni AJ sa hotel ng ilang araw para mag-celebrate ng Valentine’s.

Paglilinaw ni Aljur, “‘Yung hotel na ‘yun, nagulat ano. Kumain lang kami dun tapos nagbihis lang to freshen up para sa show.”

“Syempre Valentine’s, nagkataon lang. Hindi (kami nag-stay). Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan. Kung anong gusto nilang makita, tingnan nila.

“Pero trabaho po ‘yun. Trabaho po ‘yun para sa mga cooperatices,” dagdag ni Aljur.

Matatandaang inamin noon ni AJ na nanliligaw sa kanya ang aktor bagay na hindi nagustuhan ng mga netizens dahilan para siya ang ituro bilang “third party” ng pakikipaghiwalay nito sa asawang si Kylie Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Pinabulaanan naman ni AJ ang mga naging paratang sa kanya ng madlang pipol hanggang sa mas lumaki na ang isyu dahol marami na ring personalidad ang masangkot sa kontrobersya.

Hindi naman naging malinaw kung nag-progress ang panliligaw ni Aljur kay AJ dahil matapos lumaki ang isyu ay pinili na ni AJ na mag-lie low sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman marami ang nag-akala na “in a relationship” na ang dalawa matapos mag-viral ang photos nila online.

Wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano nga ba ang status ng kanilang relayon.

Related Chika:
Aljur, AJ magkasamang nag-celebrate ng Valentine’s Day sa isang hotel sa Leyte…magdyowa na o ‘as a friend’ lang?
Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending