Aljur, AJ magkasamang nag-celebrate ng Valentine's Day sa isang hotel sa Leyte...magdyowa na o 'as a friend' lang? | Bandera

Aljur, AJ magkasamang nag-celebrate ng Valentine’s Day sa isang hotel sa Leyte…magdyowa na o ‘as a friend’ lang?

Ervin Santiago |February 14,2022
facebook
share this

Aljur, AJ magkasamang nag-celebrate ng Valentine’s Day sa isang hotel sa Leyte…magdyowa na o ‘as a friend’ lang?

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 04:24 PM

Aljur Abrenica at AJ Raval

SO, magdyowa na ba talaga o magkasama lang sa isang hotel sa Tanauan, Leyte “as a friend”?

Yan ang tanong ngayon ng mga “Marites” patungkol sa kumalat na mga litrato sa social media ng rumored couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval. 

Balitang magkasama ngayong Araw ng mga Puso ang dalawa base nga sa kanilang photos together na ipinost sa Facebook page ng Haiyan Hotel and Resort ngayong araw, Feb. 14.

Nag-thank you ang administrator ng nasabing FB account kina AJ at Aljur sa pagbisita ng mga ito sa nasabing resort. 

Kasunod nito, muling nag-post ang administrator ng FB page ng hotel ng tatlo pang litrato saan kasama ma nina Aljur at AJ ang owner ng hotel.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang paliwanag sina AJ at Aljur kung ano ang tunay na dahilan ng pagpunta nila sa nasabing establishment. 

Kung matatandaan, nabanggit ni AJ sa isang panayam na wala raw silang relasyon ng estranged husband ni Kylie Padilla.

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag-uusap lang naman po kami. 

“Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin,” depensa ng sexy star.

“Sa ngayon, parang pareho po kaming may dapat may i-prioritize, may mga problem na dapat unahin… inuuna po namin ’yong mga bagay na yan,” aniya pa. 


Ngunit inamin niya na totoong nililigawan siya ni Aljur at posible naman daw na ma-in love rin siya sa aktor. 

Naging kontrobersyal ang pagkaka-link sa dalawa dahil sumabog ang tsika about their supposed relationship noong kasagsagan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla.

Dinenay naman ni AJ na siya ang third party sa break-up ng mag-asawa, “Just to be clear, hindi ako ang naging third party. Okay guys? Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama, kung maka bash naman kayo parang nakapatay ako ng tao.”

Ito naman ang sabi ni Kylie patungkol kina AJ at Aljur, “Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. 

“Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” ang tweet noon ni Kylie.

https://bandera.inquirer.net/288920/heaven-kiko-nakitang-magkasama-sa-birthday-party-magdyowa-na-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/292193/paolo-at-yen-magkasama-huling-huli-kahit-may-suot-na-face-mask-at-face-shield

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287429/rabiya-nakauwi-na-sa-pinas-pero-sasailalim-muna-sa-10-araw-na-quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending