KC may isa pang namana kay Mega bukod sa pag-aartista: Mommy ko talaga ang nag-influence sa akin ng... | Bandera

KC may isa pang namana kay Mega bukod sa pag-aartista: Mommy ko talaga ang nag-influence sa akin ng…

Ervin Santiago |February 09,2022
facebook
share this

KC may isa pang namana kay Mega bukod sa pag-aartista: Mommy ko talaga ang nag-influence sa akin ng…

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 01:19 PM

Sharon Cuneta at KC Concepcion

BUKOD sa pag-aartista, pagkanta at pagho-host, may isa pang namana nang bonggang-bongga si KC Concepcion sa kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta.

Ibinida ng dalaga sa madlang pipol na tulad ni Shawie ay love na love rin niya ang magagandang interior design at architecture.

Sa kanyang latest YouTube vlog, inihayag ni KC na si Mega talaga ang nag-introduce at nag-impluwensiya sa kanya pagdating sa pagkakaroon ng bonggang taste sa interior design at home decorations.

“Siya rin naman ang nag-inspire sa akin na, kaya ako mahilig sa home interiors, architecture, everything that has to do with homes and design. Mom ko rin naman talaga ang nag-introduce sa akin sa mga ‘yon,” pahayag ng singer-actress and jewelry designer.

Dagdag pa ng panganay na anak ni Ate Shawie, “Parang ‘yung taste ko rin (sa home decors) nakuha ko rin from my mom. 

“So hindi lang sa entertainment kundi kahit sa house, sa mga decoration at sa mga design, Mommy ko talaga ang nag-influence sa akin na pumili ng mga magagandang bagay na may meaning,” aniya pa.

Inilibot din ni KC ang kanyang fans and social media followers sa kanyang bahay na inayos at pinaganda ng mga interior designer na sina Ivy at Cynthia Almario.

Ipinakita ng aktres ang ilan sa mga kagamitan niya sabay sabing naniniwala siya na ang mga home decorations ay, “it’s not about the material things, but the stories behind them.”

“It’s about the travels you’ve been on, the things you’ve seen, the people you’ve met, the stories you have that will be told over and over again in your lives that make you who you are,” chika ni KC.

View this post on Instagram

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


Katwiran ng TV host-entrepreneur, “Iyon naman kasi talaga ang meaning ng gamit, hindi ‘yung mismong gamit pero ‘yung naaalala niyo and ‘yung connections na nagagawa niyo with those things.”

Bukod dito, ipinasilip din niya ang isa sa kanyang mga collection sa bahay — ang Martha Stewart home entertaining book na ibinigay sa kanya ni Mega.

Kuwento pa ni KC, super fan kasi si Sharon ng nabanggit na American lifestyle guru, “Martha Stewart was my mom’s absolute favorite when I was growing up. I’d always remember her when I see Martha Stewart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hopefully, one day, soon, I can prepare a nice lunch or a nice dinner for my mother and our nearest and dearest,” chika pa ni KC Concepcion.

Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker

Hugot post ni KC tungkol sa ‘baby’ patutsada nga ba kay Mega?

Jennica balik-showbiz para buhayin ang 2 anak: Kailangang magsakripisyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending