Robin may promise kay Aiko pag nakapasok sa senado: Kung wala pa tayong nagawa, nakakahiya puro action star pa kami du'n | Bandera

Robin may promise kay Aiko pag nakapasok sa senado: Kung wala pa tayong nagawa, nakakahiya puro action star pa kami du’n

Reggee Bonoan - February 06, 2022 - 06:25 PM

Robin Padilla at Aiko Melendez

ANG plataporma ng kumakandidatong senador na si Robin Padilla para sa showbiz ang isa sa napag-usapan nila ni Aiko Melendez sa YouTube channel nito na in-upload kagabi, Feb. 5.

Tulad ni Robin, tumatakbo rin si Aiko bilang konsehal naman sa District 5 ng Quezon City and at the same time ay nagba-vlog din ang aktres.

Panimulang pahayag ni Aiko, “Sa lahat ng pinapasok mo Robin ‘no, you make sure that you excel, sa pagiging artista, you made sure na magiging producer at direktor ka. I mean it’s everyone’s dream na maging ganu’n, di ba?

“Ngayon na papasok ka sa public service ano ‘yung plataporma na gusto mong ipaglaban na maide-dedicate mo sa showbiz kung saan ka galing,” tanong ni Aiko.

“’Noong araw pa alam na natin kung anong problema. Tayong mga artista wala naman tayong masyadong problema, mabait sa atin ang mga producer lalo na pag kumikita. Sino ba ang tinatamaan diyan? Crew ang kawawa!

“Sa tagal ko sa pelikula, umasenso na ako, nagkaroon na ako ng bahay, ‘yung mga kasama nating crew sa squatter’s area pa rin nakatira.  Kaya tinatanong natin ang mga producer bakit ganyan, bakit ganu’n, kasi wala naman silang union, hinaharang lagi ang union. ‘Yung malalaking network nagkakaroon sila ng unyon pero homebase.

“Kaya tayong dalawa kasi papasok na tayo sa public service, uunahin natin ‘yan. Kailangan magkaroon sila ng kung ano ang para sa kanila.

“Naumpisahan ko na ‘yan, eh. Ang taas ng talent fee ko sabi ko (producer) boss bawasan n’yo ako ng talent fee, bigay natin sa crew.

“Kaya lang siyempre ‘yung mga producer ayaw nila ‘yan kasi precedent ka, anong gagawin mo ihihiwalay mo, ikaw na lang ang gagawa na ibibigay mo sa crew ‘yung pera nila,” paliwanag ni Binoe.

Sa pagpapatuloy ni Robin, “Kaya kailangan kapag nanalo na tayong dalawa (Aiko) kailangan ‘yan batas.  Ito lang naman ang nasa isip ko, Metro Manila Film Festival, ang nakikinabang diyan bakit hindi ang mga artista?

“Bakit tuwing may nagkakasakit na reporter, artista lahat kailangan mong mapanood sa TV nagmamakaawa? Minsan ‘yung kuha pa nawawalan ng dignidad ‘yung artista?” sabi ng aktor.

At dito naglabas ng saloobin si Robin nang magkasakit ang kilalang character actor na si Dick Israel.

“Napikon ako diyan minsan, si Tats, si Dick Israel alam mo naman si Tats isa ‘yan sa pinakamapormang artistang nakilala ko tapos kukunan mo naka-briefs! Tapos naka-ganu’n (minuwestrang hindi maiangat ang ulo), c’mon!” kunot noong kuwento ni Robin.

“Oo degrading,” sambit naman ni Aiko.

“Gusto natin siyang tandaan na si Tats na boyfriend ni Techie Agbayani. Napikon ako do’n at mula no’n nag-isip ako na kailangan bigyan ng halaga lalo na tayong mga artista na sa laki ng tax natin ay health care.

“Kailangan tayo reward-an niyan, we deserve it. Ako hindi na ako hihingi n’yan pati ‘yung ibang artista rin (mayayaman), pero ‘yung maliliit naman. Although kailangan natin pero magwi-wave ka na. Ibigay na lang natin sa mga ganitong mga tao.

“Dapat hindi nagmamakaawa ang mga artista lalo na ‘yung matatanda na, c’mon ang laki po ng tax namin.  Tayo mismo may tax na. Pag nagpalabas tayo ng pelikula, may amusement tax pa at kung anu-anong tax pa. Hindi natin gusto ‘yun!” paliwanag mabuti ni Robin.

Say ni Aiko, “So pagdating mo sa Senate Robin, you’ll make sure na (ipaglalaban).”

“O, yes, ipaglalaban natin ‘yan!” diin ng aktor na ipinagpasalamat naman ni Aiko.

Dagdag pa niya, “Botohan yan, eh.  Kailangan nating ipaliwanag sa mga kasamahan, ikaw sa konseho, ako sa senado.”

“At saka nagdadala rin naman tayo ng pride sa bayan, di ba?” saad pa ni Aiko.

View this post on Instagram

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Naikumpara pa ni Robin ang mga artista sa mga manlalarong nagbibigay karangalan sa bansa.

“Ako masyado akong sampalataya sa mga Olympian na pag nanalo, binibigyan (pabuya ng gobyerno) dapat lang. Pero dapat naman pati sa artista na pag nanalo ng Best Actor o Best Director (dapat bigyan din),” pahayag pa ni Robin.

Dito natuwa si Aiko, “Oo nga, senator baka naman puwedeng iano mo ‘yan (ipaglaban mo) para naman may makuha kami. Ha-hahaha!”

Hirit pa ni Robin, “Pare-pareho lang naman ‘yan. Ano ba ang ipinagkaiba, talent mo ‘yan sa pagtakbo, talent mo ‘yan sa boksing, talent mo ‘yan sa weightlifting, e, talent naman sa pag-aartista ‘to? We are all giving honor to this country dapat equal. Pag sinabing talent ‘wag tayong mag-descriminate.”

Say pa ni Aiko, “Oo nga, sana pag nandoon ka na sa senate, ‘wag mong kalimutan ang industry natin.  Ang daming umaasa talaga sa ‘yo na sa pagtakbo mo ikaw na ‘yung maging sagot although wala namang against doon sa mga artistang naging senator natin ngayon but ikaw ‘yung magbibigay ng chance.”

“Kulang kasi sila (mga artistang senador), pag nanalo itong mga artista na ‘to, kami halimbawa pinagpala kami ng Panginoong Diyos, ang dami na namin, puwede nga kaming Expandables (titulo ng Hollywood movie) nga ro’n. At pag wala pa kaming nagawa, nakakahiya puro action star pa kami,” sabi ni Robin.

https://bandera.inquirer.net/304682/robin-sawang-sawa-na-sa-kakaendorso-ng-politiko-kaya-tumakbo-nawalan-ng-trabaho-dahil-kay-duterte

https://bandera.inquirer.net/288808/kris-pinayuhang-wag-tumakbong-vice-president-senador-at-congresswoman-na-lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280980/depensa-ni-kakai-sa-duterte-leni-tweet-pagod-na-rin-ako-sa-gobyerno-pero-wag-tayong-mag-away-away

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending