Legendary singer ibinebenta na ang original songs pero may isang kondisyon? | Bandera

Legendary singer ibinebenta na ang original songs pero may isang kondisyon?

Reggee Bonoan - February 05, 2022 - 10:44 AM

Legendary singer ibinebenta na ang original songs pero may kondisyon?

INILALAKO na ng legendary singer ang mga original songs niya sa murang halaga para matugunan ang mga gastusin niyang medical at iba pang personal na pangangailangan.

May edad na ang legendary singer at walang regular na napagkukunan ng allowance para sa mga kailangan niya.

Nakakaraket lang siya kapag may mga nagpagawa ng kanta sa kanya pero madalang pa iyon sa patak ng ulan. ‘Yung huling ginawan niya ng kanta ay nagkaroon pa ng problema dahil hindi agad nabayaran na mabuti na lang at may tumulong sa kanya.

Anyway, nasa 40 ang mga sumikat niyang kanta at at ang iba ay nagamit bilang movie soundtrack at sa ilang TV series.

May ilang singers din na binigyan nila ng sariling version at isinama sa album nila pero mas gusto pa rin ang orihinal na kumanta at sa katunayan ay mahal na ang bentahan ng mga vinyl at CD ng nasabing legendary singer, ‘yun nga lang hindi nabibili kasi nga iilan na lang ang gumagamit ng turntable dahil halos lahat ng kanta ngayon ay nasa online platforms na.

Ayon sa kuwento ng aming source, “’yung bibili ng kanta niya pag-aari niya for a certain number of years. Bale ‘yung bumili pag-aari niya ‘yung songs since pinatutugtog din sa online platform like Spotify, YouTube Music, at iba pa doon kikita ‘yung bibili.”

Interesado naman daw ‘yung buyer ang kaso may kundisyon ang legendary singer, gusto niyang humati sa royalty.

“Ang problema hindi na nga pinatutugtog ang kanta niya kaya nga walang royalty na nakukulekta kaya nga niya binebenta. Paano naman makakabawi ang buyer di ba?”sabi pa ng aming source.

Sa kasalukuyan ay ang-iisip ang buyer kung bibilhin niya ang ilang kanta ng legendary singer dahil nga sa kundisyon nito.

Related Chika:
Hindi birong masaktan dahil sa taong minahal natin, yung naniwala kang may forever…
Ryan Bang sa dyowa: Ikaw lang ang isang Filipina na napansin ang halaga ko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending