Vice Ganda nagulat kay Vicki Belo: May tig-bebente ka? | Bandera

Vice Ganda nagulat kay Vicki Belo: May tig-bebente ka?

Therese Arceo |January 29,2022
facebook
share this

Vice Ganda nagulat kay Vicki Belo: May tig-bebente ka?

Therese Arceo - January 29, 2022 - 05:32 PM

Vice Ganda nagulat kay Vicki Belo: May tig-bebente ka?

TILA nawindang si Vice Ganda sa kanyang nadiskubre sa drawer ni Dra. Vicki Belo nag dalawin niya ito para sa kanilang YouTube collab.

Naglaro kasi ang dalawa sa latest vlog ng celebrity doctor kung saan huhulaan ng huli kung ano ang ibig sabihin ng bawat beki sentence na sasabihin ng Unkabogable star.

Ang usapan ay sa tuwing mali ang sagot ni Dra. Vicki sa mga sinabi ni Vice ay may chance siya na buksan ang kahit na ano sa mga drawers ng doktora at makakapamili siya kung ano ang gusto niyang kunin bilang premyo.

Sa una ay tumama ang celebroty doctor ngunit sa mga sumunod ay natalo ito kaya naman nagkaroon ng chance si Vice na maghalungkat sa kanyang drawers.

Dito nga ay nagulat ang “It’s Showtime” host dahil nakakita siya ng maraming bundle ng malulutong na pera.

Pero ang mas ikinagulat ni Vice ay ang P20-bill ni Dra. Vicki.

“Ang daming pera! Pero na-surprise ako. May tig-bebente ka? Dra. Vicki Belo, bumibenta ng bente pesos?” tanong ni Vice.

Paliwanag ng doktora, pamasko daw ito sa mga bata. Iyon rin daw ang ipinamimigay niya sa mga namamasko sa kanila tuwing lumalabas sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

“Sa car kapag may kumakatok, binibigyan n’yo ng ganito (P20-bill bundle)? Anong plate number n’yo? Aabangan ko ‘yan dito sa gate ng subdivision n’yo,” pabirong sabi ni Vice.

Napag-alaman rin niya na dalawang libo ang halaga ng isang bundle at sinabing hindi na masama kung ipamimigay.

Bukod dito ay nakakuha rin ng inderwear ng doktora si Vice at pabirong sinabi na ibebenta raw niya ito sa e-commerce store.

Sa huli ay sinorpresa siya ng doktora at hinayaan na siyang makakuha ng bag pero with a twist. Kinakailangang nakapiring siya.

Sa huli ay isang limited edition Hermes bag ang nakuha ni Vice.

Nang i-check namin ang presyo ng bag ay naloka kami nang malaman na halos nasa P3.7 million ang halaga nito.

“For real, this is mine na? This is so expensive. I’m so shy naman to receive this gift. This is too much parang I can’t. Nahihiya ako,” sey pa ni Vice.

Sa huli ay inuwi niya ang bag at biniro pa si Dra. Vicki na ibebenta niya ito online.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Vicki Belo first time makakita ng katol, Vice natawa: Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila
Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending