Jessy iiwan si Luis para kay Gong Yoo: Hihiwalayan kita para sa kanya | Bandera

Jessy iiwan si Luis para kay Gong Yoo: Hihiwalayan kita para sa kanya

Therese Arceo |January 28,2022
facebook
share this

Jessy iiwan si Luis para kay Gong Yoo: Hihiwalayan kita para sa kanya

Therese Arceo - January 28, 2022 - 06:09 PM

Jessy 'iiwan; si Luis para kay Gong Yoo: Hihiwalayan kita para sa kanya

GAME na naglaro ng “Jojowain o Totropahin” challenge sina Jessy Mendiola kasama ang kanyang mother-in-law na si Vilma Santos, pinsan ni Luis, at pati na rin ng kanilang mga house helpers at si Luis naman ang nagsilbing taga-tanong.

“Sandali lang, Jess. Parang nahihiya ako sa edad ko na makikipag-usap pa ako rito kung sino ang gusto kong dyowain. Para yatang alangan sa edad ko, Jess,” nahihiya at natatawang saad ni Ate Vi.

Pagpapaliwanag naman ni Jessy, laro laro lang naman ang gagawin nila at katuwaan lang.

Sa buong laro ay kitang kita naman na naaaliw si Ate Vi kaya naman biniro siya ng anak sa kanyang mga sagot.

“Parang wala ka pang tinotropa, a. Parang lahat dyinowa,” pabirong sabi ni Luis sa ina.

Maraming foreign at local celebrities na nabanggit si Luis gaya na lang nina Christopher de Leon, Bobot Mortiz, Brad Pitt, Richard Gere, Aljur Abrenica, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Ken Chan, Lee Min Ho, Hyun Bin, at marami pang iba.

Pero nang mabanggit ang isang Korean actor ay tila nagbago ang timpla ni Luis.

“Gong Yoo,” saad ni Luis.

“Jojowain! Ang bilis,” sabi ni Jessy.

“Magbigay ka naman kahit 2 seconds lang para hindi halata,” sey ni Luis.

Kahit ang kanyang mother-in-law ay jojowain nga ang Korean actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola- Manzano (@senorita_jessy)

Mukha namang talagang crush na crush ni Jessy si Gong Yoo dahil sa sinabi niya na may koneksyon sa relasyon nila ng asawa.

“Jojowain talaga. Hihiwalayan kita para sa kanya,” pabirong sabi ni Jessy.

Halos magkasing-edaran lang din kasi sina Luis at Gong Yoo.

“Alam mo, love, kung bakit ko siya crush? Kasi naaalala kita sa kanya. Hindi ko alam kung bakit,” bawi naman ni Jessy sa asawa.

Pabirong saad naman ni Ate Vi, muntik na raw niyang sakalin si Jessy dahil sa sinabi nito sa kanyang anak.

Sa huli naman ay solong tinanong ni Luis ang kanilang kasambahay na si Ate Cindy.

“Isang pangalan na lang lang ang naiiwan dito at para kay Cindy ang katanungan na ito. Jojowain o totropahin, Luis Manzano?” diretsahang tanong ni Lucky.

“Sorry ha. Jojowain ko na to,” sagot naman ni Ate Cindy.

Napuno naman ng tawanan ang bahay sa sagot nito.

“Iiwan mo ako para kay Gong Yoo, iwanan kita para dito (sabay turo kay Ate Cindy),” sambit ni Luis.

“Para lang siyang buwitre na mag-aantay. Magkamali ka lang ng isa… paptumbahin ka nito. Nag-aantay lang to. Huwag kang magre-relax, huwag kang matutulog,” pagbabanta ni Luis kay Jessy.

Kaya naman pala medyo kalmado pa siya sa statement ng asawa dahil mayroon siyang ganti dito.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa vlog lalo na sa mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Parang ito yung pinakamasayang jojowain or totropahin challenge na napanuod ko. Super LT. Haha!” comment ng isang netizen sa kanilang vlog.

Hirit naman ng isa pang netizen, “Naku ate Jessy wag kana matulog. Bantayan mo na palagi c kuya Luis. sakit ng tiyan ko (kakatawa). tanggal Ang stress as always when watching your vlogs po. Stay safe and Godbless you always po.”

Related Chika:
Poster pa lang ng pelikula nina Park Bo Gum at Gong Yoo trengding na; abangers na ang Pinoy fans
True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending