Poster pa lang ng pelikula nina Park Bo Gum at Gong Yoo trengding na; abangers na ang Pinoy fans
TRENDING sa Facebook page ni Park Bo Gum ang poster ng bago niyang pelikula sa Korea, ang “SEOBOK” kung saan makakasama niya ang isa pang Korean superstar na si Gong Yoo.
Ito’y mula sa direksyon ni Lee Yong Zoo at iri-release ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment na may global premiere sa Abril 15 at mapapanood sa apat na platforms tulad ng KTX.ph, iWantTFC, SKY PPV sa halagang P250 at siyempre sa Vivamax.
Ang daming Filipino fans pa rin ang gustung-gusto si Park Bo Gum na hanggang ngayon ay hot topic pa rin ang 2018 Korean Drama series na “Encounter” katambal si Song Hye-Kyo kaya ginawan ng Filipino version ng Viva na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Cristine Reyes at kasalukuyang napapanood sa TV5.
Siyempre marami rin namang nagmamahal kay Gong Yoo dahil sa Korean Drama series nitong “Goblin” (2017) at pelikulang “Train to Busan” (2016).
Ang kuwento ng “SEOBOK” ay tungkol sa isang dating intelligence agent na si Ki-hun (Gong Yoo) na mag-isang namumuhay dahil sa trauma.
Siya ang pinagkatiwalaan ng kanyang dating boss para sa isang secret mission — ang ilipat sa isang ligtas na lugar ang kauna-unahang human clone na si Seobok (Park Bo Gum).
Ngunit masisira ang misyon sa pag-atake ng mga hindi kilalang tao sa kanilang convoy. Makakatakas sina Ki-hun at Seobok.
Ngunit kasabay ng kanilang pagtakas ang maraming problemang kanilang haharapin, lalo na’t unang beses makalabas ni Seobok sa totoong mundo na buong buhay niya ay nakatira lang sa isang laboratoryo.
Manghang-mangha si Seobok sa totoong mundo at gustong alamin ang maraming bagay, ngunit si Ki-hun ay gusto lamang na matapos niya agad ang kanyang misyon.
Iba-ibang grupo na may iba-ibang pakay ang hahabol kay Seobok, ang clone na magliligtas sa sangkatuhan, at siya ring pinakamalaking banta sa sangkatauhan.
Maiipit si Ki-hun at Seobok ng mga kalaban, at kailangan nilang gumawa ng isang malaking desisyon.
Samantala, kakaibang Park Bo Gum naman ang makikita sa pagganap niya bilang isang human clone, na kailangang magpakita ng kamusmusan ng isang bata, at galit na parang sa isang hayop.
Abangan ang kakaibang on-screen chemistry nina Gong Yoo at Park Bo Gum sa SEOBOK. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net para mapanod ang “SEOBOK.”
Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.