Gerald Anderson ‘totropahin’ si Alexa Ilacad: Baby girl ‘yun!
SUMALANG sa “Jojowain o Totropahin” challenge ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kasama si Jake Cuenca bilang parte ng “By Request”, isang fundraising show para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
Dito ay natanong ang dalawa kung dyowa o tropa para sa kanila ang aktres at dating PBB celebrity housemate na si Alexa Ilacad.
Sagot naman ni Gerald, totropahin daw niya ang nasabing aktres.
“Ay si Aleca, baby girl ‘yun. Tropa ‘yun si baby girl,” saad ng aktor.
“Magaling ‘yung batang ‘yan saka napakalambing. Sobrang bait,” dagdag pa ni Gerald.
Nagkasama sina Gerald at Alexa sa Kapamilya teleserye “Init Sa Magdamag” kung saan gumanap ang aktres bilang nakababatang kapatid ng aktor.
Kuya ko!! I miss you 🥺 https://t.co/3Lx4CWNbio
— Alexa ☾ (@alexailacad) January 25, 2022
Samantala, mukhang napanood naman na ng aktres ang magagandang comment sa kanya ng isa sa mga sought after Kapamilya leading men.
Sa kanyang Twitter account ay ni-retweet niya ang video ng sagot Gerald sabay sabing “Kuya ko!! I miss you!”
Marami naman sa mga supporters ni Alexa ang nag-comment at natuwa sa magandang relasyon ng dalawa.
“Kilig talaga na baby sister ni Gerald si Alexa. Naalala ko na naman ‘yung pagkontra niya sa kissing scene,” sey ng isang netizen.
Ang tinutukoy ng netizen ay ang kwento ni Alexa noong nasa loob pa ito ng Bahay ni Kuya na hindi raw pumayag si Gerald na magkaroon sila ng kissing scene ng kanyang love interest sa teleserye na si Gab Lagman.
Mukha namang tinotoo ni Gerald ang karakter niya bilang kuya ni Alexa at talagang pinagbawalan pa sa daring scenes ang aktres.
Related Chika:
Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!
Alexa feeling ‘big winner’ kahit napalayas na sa PBB: I have done nothing but show my true colors!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.