Belle Mariano: Ako po yung tipo ng bata na laging bida-bida sa family reunion
Belle Mariano
BATA pa lang ay talagang kumakanta at nagpe-perform na ang Kapamilya youngstar na si Belle Mariano pero ngayon lang nabigyan ng katuparan ang pangarap niya na maging singer.
In fairness, pagkatapos i-launch ang kanyang debut album last year, rarampa na agad si Belle sa kanyang first major solo digital concert, ang “Daylight”.
Mula sa pagiging “Goin’ Bulilit” star noon, dalagang-dalaga na nga ang young actress at isa na ngayon sa mga bagong promising stars ng ABS-CBN na talagang sumikat pa nang bonggang-bongga sa hit series na “He’s Into Her” at sa blockbuster film na “Love is Color Blind” kasama ang ka-loveteam niyang si Donny Pangilinan.
Kuwento ni Belle sa nakaraang virtual mediacon ng “Daylight” last Jan. 20, “Nasanay ako talagang kumanta in front of everyone since growing up ako nga yung tipo ng bata na bida-bida kunyari may family gathering or reunion.
“Ako yung tipong lalapit sa mga titas at kakanta. O kapag may videoke ako yung unang ga-grab ng microphone and then I’ll perform. From there on, du’n ko na ne-develop na ang saya pala kumanta. Ang saya mag-entertain ng tao,” masayang pagbabahagi ng dalaga.
View this post on Instagram
At dahil dito, alam talaga ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan na passion din niya ang pagkanta, “All throughout the years, I watch YouTube, I watch voice trainings.
“Pero hindi talaga ako nakapag-attend ng voice training. So really it was just my family’s influence over me kasi my lolo does sing. Siya yung nag-ga-guide sa akin. Yung mga friends ko, alam talaga nila na kumakanta ako.
“Let’s say kapag bibisitahin ko sila sa houses nila, talagang minsan nagkakantahan kami, ganun and feeling ko, dun rin nila na-discover,” sey pa ng batang aktres.
Patuloy pang chika ni Belle, “Growing up as a kid I used to sing and perform in front of my family pag may family reunion. Number two, when it comes to acting naman, I’d watch my idols on TV and I just wanted to be like them. I just love entertaining people.
“As long as I’m enjoying parang hindi mo kasi namamalayan na you’re really performing in front of other people.
“But simply the thought that you’re also enjoying what you’re doing, you wouldn’t feel any anxiety once you’re in that moment,” dagdag pa ng screen partner ni Donny.
Bakit nga ba nagdesisyon si Belle na pasukin na rin ang pagkanta gayung humahataw na ang kanyang acting career, “Because I love singing too. Hindi lang naman puwedeng isa yung passion ko. Marami naman.
“I don’t think it just applies to me. It applies to everyone na madami tayong passion and madami tayong gustong gawin and one of those is singing. I love singing. I love performing.
“As long as I can entertain people and I can make people smile and connect, na-enjoy ko siya. Siguro one thing I’m also passionate about as of the moment is really art. Anything related to art.
“I just love anything na aesthetically pleasing sa eyes, na parang you just see art in everything. Maybe that’s one thing I’m passionate about as of the moment. Make and appreciate art. And just decorating, I love it. Na-enjoy ko siya,” natatawang sey pa ng aktres at singer.
Mapapanood na ang first major solo digital concert ni Belle na “Daylight” sa Jan. 29 (Saturday). Tickets are available sa www.ktx.ph.
https://bandera.inquirer.net/297379/belle-mariano-sinupalpal-ang-netizen-na-nagsabing-hindi-siya-maganda
https://bandera.inquirer.net/302378/belle-donny-ayaw-pang-maghiwalay-gusto-pang-makagawa-ng-maraming-proyekto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.