Nadine Samonte, pamilya tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Grabe ang nangyari sa amin! | Bandera

Nadine Samonte, pamilya tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Grabe ang nangyari sa amin!

Ervin Santiago |January 25,2022
facebook
share this

Nadine Samonte, pamilya tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Grabe ang nangyari sa amin!

Ervin Santiago - January 25, 2022 - 09:09 AM

Richard Chua at Nadine Samonte

CERTIFIED COVID-19 survivors na ring matatawag ang buong pamilya ng aktres at negosyante na si Nadine Samonte.

Super happy na ibinalita ni Nadine na finally nag-negative na ang kanyang family sa nakahahawang virus matapos magpa-swab test kamakailan.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram Stories kahapon, Jan. 24, ang ilang detalye sa kanilang COVID-19 journey kasabay ng pasasalamat kay Lord.

Ayon pa kay Nadine, mas madali ang naging proseso ng kanilang pagpapagaling dahil mild lamang ang mga sintomas na kanilang naramdaman habang naka-quarantine.

Aniya sa caption ng kanyang IG post, “From positive to negative na, yahoo!!!! Trust in the Lord!”

Lahad pa ng celebrity mom, ang talagang inalala nila ng kanyang asawang si Richard Chua nang malamang tinamaan na rin sila ng COVID-19 ay ang bunso nilang anak na si Harmony. 

Aniya, isang buwan pa lang daw kasi ang sanggol kaya natensiyon talaga sila nu’ng una nang malamang nahawa din ito ng virus.

“Grabe ang nangyari sa amin. Kaming lahat nag-positive, kahit si Harmony, buti mild symptoms lang kami and ang mga kids, naagapan agad.

“Thank you, Lord, for everything. We made it. To everyone pls be safe,” mensahe pa ng dating Kapuso star.

View this post on Instagram

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


Nitong nagdaang Jan. 18, ibinahagi rin ni Nadine sa kanyang social media followers na patuloy pa rin silang nagpapagaling sa virus.

“We are still in the grey area but we are okay. Everyones okay even our little Harmony.

“Thank you Lord hindi mo kami pinabayaan lalo na mga kids. Salamat (heart, praying hands emojis) Prayers to everyone. Pls be safe and God Bless!” pahayag pa ni Nadine.

Nadagdag ang pamilya nina Nadine at Richard sa humahabang listahan ng mga showbiz family na tinamaan ng Omicron variant ng COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga naka-recover na mula sa pagkakaroon ng virus ay ang pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iya Villania at Drew Arellano, Aubrey Miles at Troy Montero, at Pia Guanio at Steve Mago.

Bakit nga ba biglang iniwan ni Nadine Samonte ang showbiz?

Nadine Samonte muling nakasama ang pamilya matapos manganak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending