Lolo Narding gustong mahanap ni Rabiya Mateo; Kuya Kim nais ring magpaabot ng tulong
MARAMI sa mga celebrities gaya nina Kim Atienza at Rabiya Mateo ang naantig, naawa, at nainis matapos mabalitaan na nakulong ang isang 80 anyos na si
Lolo Narding Flores dahil umano sa pagnanakaw ng 10 kilong mangga.
Sa Facebook account ng Miss Universe Philippines 2019 Rabiya Mateo ay nanawagan siya sa madlang pipol kung paano ma-contact si Lolo Narding.
Ayon sa beauty queen turned actress, nais niyang magpaabot ng tulong sa matanda matapos mabalitaan ang sinapit nito.
“Can someone bridge me to Lolo? Finding ways to contact him,” saad ni Rabiya.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa dalaga at nagpaabot ng pasasalamat sa kabutihan ng puso ng beauty queen-actress.
Kahit nga ang kapwa Kapuso nitong si Kuya Kim Atienza ay nais ring magpaabot ng tulong kay Lolo Narding.
Tila hindi nagustuhan ni Kuya Kim ang sinapit ng 80-anyos na matanda dahil lamang sa pagkuha ng mangga.
Sey niya, “I would like to pay for his bail and legal services. How may I get in touch with Lolo (Narding)? This makes my blood boil. Back to you guys, seriously.”
Sa ngayon ay pansamantala nang nakalaya at nakauwi sa kanilang tahanan ang matanda matapos mag-ambagan ng mga pulis mula sa Asingan Police Station para sa kanyang pyansa na nagkakahalagang P6,000.
Bukod kina Kuya Kim at Rabiya, marami ring mga netizens ang nais tumulong kay Lolo Narding pati na rin sa pamilya nito.
May ilang mga indibidwal at mga organisasyon na rin ang nakapagpaabot ng tulong sa matanda gaya ng pagbibigay ng grocery na malaking tulong sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ni Lolo Narding dahil nakatakda itong humarap muli sa korte sa darating na February 8.
Related Chika:
80 anyos na inaresto ng pulis matapos akusahang nagnakaw ng mangga, nakalaya na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.