Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo? Bandera

Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo?

Reggee Bonoan |January 15,2022
share this

Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo?

Reggee Bonoan January 15, 2022 - 03:18 PM

Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo?

MALAKING katanungan hanggang ngayon mula sa mga nakakakilala kay Beatrice Pia White na asawa ng basketbolistang si Terrence Romeo kung saan nito pinagdadala ang mga milyones na in-invest sa kanya ng mga kaibigan para sa kanyang chicken farm at palayan na matatagpuan sa Lopez, Quezon.

Isa ang vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa mga taong hindi naibalik ang limang milyon nitong investment na pangako ni Pia ay babayaran niya hanggang sa nasakote na nga siya at kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame, Quezon City.

Base sa tsikahan nina Ogie at Mama Loi sa kanyang YouTube channel ay nabanggit ng una na maraming nagte-text sa kanya na may mga nag-invest ng P80 milyon na ikinaloka raw niya.

Kaya ang tanong ni mama Loi, “Saan niya dinadala?” na hindi rin naman alam din ni Ogie.

Sina Nanay Cristy Fermin at Manay Lolit Solis ay nakakausap pala si Beatrice Pia dahil nagpupunta ito sa Obra ni Nanay Gallery at sabi nga ng una, “nakikipaglapit alangan namang ipagtabuyan namin.”

At dito naglabas si Manay Lolit na nabalitaan niyang may bisyo umano si Terrence kaya siguro nabaon sa utang si Pia.

Ang caption ni Manay Lolit sa pinost niyan larawan ni Terrence.

“Isang napakahirap na problema sa lahat Salve iyon PERA. Kaya na imagine ko kung gaano kabigat siguro ang ulo ni Pia Romeo, asawa ni Terrence habang araw-araw siyang hinahabol ng mga taong inutangan niya ng pera.

“Nakakaawa dahil isang babae na bata pa at maganda pero baon sa utang si Pia Romeo. Ewan ko kung tutoo na dahil sa naging ‘bisyo’ daw sa sugal ng asawang si Terrence kaya nabaon sa utang si Pia. Imposible na hindi ito alam ni Terrence, na may mga problema sa pera ang asawa.

“Meron silang isang anak na napakabata pa at kawawa naman na heto at ang laking problema ng sinusuong ng kanyang ina. Isang bagay kasi na dapat lagi mo nasa isip, huwag dapat lalagpas sa kinikita mo ang ginagasta mo.

“Huwag mo pasukin ang bisyo na magiging problema mo later on. At kung hindi kaya, huwag pilitin. Iyan pera kasi, pag hinahabol mo mas lalong lumalayo sa iyo, lalo kang tutuksuhin.

“Pinakamahirap na tuwing gigising ka sa umaga hayan na ang mga naniningil sa iyo, naghahanap ng bayad. Kaloka na isa kang babae na bata at maganda kailangan magkaruon ng ganitong problema.

“Parang hindi naman pagmamahal na ng isang asawa na humarap sa ganitong problema ng hindi tinutulungan ng kanyang partner. Dapat sa ganitong pagkakataon, magkasama kayong lumutas ng problema.

“Prayers na sana maayos ito ni Beatrice Pia Romeo, para sa kanyang anak, at dapat tulungan siya ni Terrence.”

Pero kinontra ito ng followers ni Manay Lolit dahil hindi pa magkakilala sina Pia at Terrence ay scammer na ang una at may mga kaso na.

Mula kay @vhenus.aphrodite, “Manay malaki ang sweldo ni Terrence baka nag hiwalay ‘yan dahil di mapigilan ang asawa n’ya sa maling gawain buti sana kung nangungutang ang girl dahil walang trabaho ang asawa eh hindi nman ganon.. ksama sa sindikato ang asawa may mga kasabwat!! Ginusto nya yan.”

Sang-ayon din si @thefrugaldrifter, “@vhenus.aphrodite saka bago pa naging sila ni Terrence scammer na ‘yang pia sabi sa mga news.”

Dagdag pa ni @joanamay05, “Syempre alam ni Terrence na mapera s’ya. Sabi nya kay Terrence may business s’ya. Sabi sa internet 2008 pa manloloko na. At talagang trained ng sindikato. Barya lang sa kanya ang milyon. Ano manloloko s’ya ng tao para ipakain sa asawa nya e kalahating milyon ang sweldo ni Terrence. Saan napunta pera nu’ng isa. Sa kulungan na s’ya mabubulok.”

Marami pang komento na halos iisa ang tumbok na matagal nang gawain ito ni Pia.

Anyway, bukas ang BANDERA para sa panig nina Pia at Terrence.

 

Related Chika:
Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending