Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e! Bandera

Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

Reggee Bonoan |January 13,2022
share this

Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

Reggee Bonoan January 13, 2022 - 04:12 PM

           
NAUNANG tinalakay nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show nilang “Cristy Ferminute” kahapon, Jan. 12, na malabo nang mabayaran ang talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ni Beatrice Pia White sa utang nitong P5 million.

Nakakulong na kasi ngayon ang nasabing negosyante sa kasong extortion, carnapping at paggamit ng iba’t ibang pangalan.

Ang “CFM” host pala ang pinakiusapan ni Ogie na singilin ang asawa ng basketball player na si Terrence Romeo pero dedma lang daw ito sa loob ng apat na taon.

Nariyang operan si Ogie na bibigyan na lang daw ng kotse para makabawas pero wala rin dahil lahat pala ng ginagamit nitong sasakyan ay puro renta lang.

May binanggit ding lupa sa Antipolo City at Lopez, Quezon si Pia na pumayag na rin ang manager ni Liza Soberano para makasingil lang pero nalaman niyang wala palang dokumento ito dahil double selling at may kaso rin.

Sabi nga ni ‘Nay Cristy, “Nagkagastos pa si Ogie nang mahigit two hundred thousand pesos para ipa-check ang mga dokumento, pero wala pala.”

Kaya nabanggit daw ni Ogie na tanggap na niyang hindi na siya mababayaran ni Beatrice Pia White.

Nitong Miyerkoles ng madaling araw ay nagsalita na si Ogie sa kanyang YouTube channel kasama si Mama Loi at Mrena tungkol sa utang ng asawa ng basketbolista.

“Maikuwento ko lang ha, ito si Pia Romeo (nagkatawanan ang tatlo), si Pia Romeo, e, two years ago naipakilala sa akin ‘yan ni Nap Gutierrez kasi si Nap Gutierrez siyempre meron siyang access sa PBA, so, alam niya na asawa ito ng PBA player.

“Ako naman si gaga nagtiwala, sabi ni Nap gusto mong mag-invest sa kanya meron siyang chicken farm. Parang 30% yata in one month. Sa madaling salita nagkita kami ni Romeo (Pia) nag-treat pa nga siya sa Gloria Maris sa Greenhills. Isip ko, ‘sosyal pala ito mayaman.’

“Tapos meron din siyang call center daw tapos kung anu-ano na ang inaayuda, sa akin pinadadala. Ako naman nagtiwala tulad din ng pagtitiwala ng iba na sa unang basa mo palang ay mukhang mabait ito, mukhang mayaman, mukhang hindi ito gagawa ng kagagahan, so, pinagkatiwalaan ko. Nag-invest ako, so, umabot ng milyon,” kuwento ni Ogie.

Nakatawang hirit ni Mama Loi, “Hindi isa, hindi dalawa, at hindi rin tatlo. Ha-hahaha!”

Tumatawa rin si Ogie sa pambubuking sa kanya ng co-host niya samantalang si Mrena naman ay napa-“oh my God!”

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Anyway, ‘yung aking savings nga ay doon napunta pero hindi ko naman ikinahirap ‘yun Loi. In fairness first few months regularly naggu-good ang tseke minsan nade-delay sabi ko, ‘bakit delayed ang tseke?’

Sabi raw ni Pia, “Hindi, iaabot sa ‘yo ni Krissy.’ ‘Yung Krissy ‘yun ‘yung hipag ni basketball player.

“Tapos ito yatang si Krissy nagkaroon ng isyu parang inalis na ni Pia na ang daming pangalan pala n’yan ni Pia (sabay lingon kay Mama Loi).

“So, nawala na si Krissy! Ang pumalit naman si Efcel Reyes (kasamang nahuli at nakakulong ngayon), ‘yung kasama niya (Pia) na nakaganu’n (mug shot) nakadilaw.  So, si Efcel na ‘yung kanyang kanang kamay.

“So, nanganak nang nanganak ‘yung utang sa akin pero nag-stop na ako. Meron siyang utang sa akin na mga P5 million.

“So, sabi niya kay Ate Cristy, ‘huy bakit ayaw mong bayaran si Ogie P5.5 million pa utang mo, ganyan-ganyan,” kuwento nito.

Sabi raw ni Pia, “Hindi ‘Nay, four million na lang!”

“Anak four million na lang daw utang niya sa ‘yo?” sabi raw ni ‘Nay Cristy kay Ogie.

“O, sige four million kahit three million na lang ate Cristy ibigay niya sa akin, sige ako na ‘yung nagsisinungaling sige,” tumatawang sabi ni Ogie.

Pagod na raw si Ogie na maghintay ng mga pangako kaya pumayag na lang siya kung magkano ‘yung sinabi ni Pia para mabawi ang pera niya.

Sabi pa, “Kung kukuwentahin ko ‘yung mga pinasok ko sa kanyang chicken farm na may pangalang BLI, kung susumahin ko ‘yung mga naipasok ko ay umaabot lang ng P3 million dahil in fairness naman ‘yung tubo ay inabot naman niya ‘yung iba.

“Kaya lang pag nag-aabot siya nagpapakitang gilas para makakuha ulit (pera). The usual (ugali) ng mga scammer. Hindi ko sinabing scammer siya (Pia), ha?  Iniisip ko lang po. Ha-hahaha!”  

At ang desperate move ni Ogie ay sinabi niya kay Pia, “Alam mo, sa ‘yo na lang ‘yan. Ipo-post na lang kita sa FB. Sabi niya, ‘huwag muna mama Ogs, hintayin n’yo akong makabangon.’”

At dito na pumasok ang sinabing lote na lang ang ibabayad ni Pia kay Ogie, “’Yung loteng ibabayad niya, ‘yung lote sa Sun Valley sa Antipolo sa bandang Cogeo.  Sabi ko ‘sige ‘yan na lang kahit hindi ako bibili ng lupa sige para lang may makuha ako.’

“So inayos ni tita Maricar (ahente), sabi ko ‘ayusin mo na ‘yan para may makuha tayo.’Eto na ang nakakaloka ng taon, nagbayad na kami ng kung anu-ano kasi ang drama nitong si Pia at ni Efcel ay nawawala ang titulo. Kaya kami naman sabi ko, ‘kami na ang aayos ng titulong nawawala, ah.’

“Tapos ang ending heto na, naka-P278, 000 ako sa lahat ng mga fees na kailangang bayaran, sabi ko, ‘ako na muna ang mag-aabono para makuha ko lang ‘yung property.’

“Ending malaman-laman ko nag double selling pala siya (Pia).  ‘Yung title hindi pala nawawala, nandoon sa isang pinagkautangan nila ng P27 million.

“Buti kamo kilala ko ‘yung pinagkautangan ng P27 M. ‘Yung sa Baang Coffee, ‘yung anak-anakan ko ‘yun noong nag-u-Umagang Kay Ganda pa ako.

“Nag-usap kami at sabi nga, ‘naku hindi namin talaga pinaalis hangga’t hindi kami nababayaran kasi naka-P9M sa amin (sabi ng anak-anakan ni Ogie).

“Tapos ‘yung lupa na ‘yun ang bayad sa kanila, nasa kanila ‘yung title. Tapos ‘yun din ang binabayad sa akin na ang claim nila ay nawala.

“Yun pala nandoon ‘yung title, so nag-usap kami ngayon, sabi ko, ‘Pia anong nangyari rito. Nag-double selling pala kayo, pinagastos mo pa ako? Hindi mo na nga ako binabayaran pinagastos mo pa ako?’

“Si Pia kasi pag kausap mo, maamo, parang ayaw mo na siyang sigawan sa amo ng mukha,” katwiran ni Ogie.

At dahil nabukelya na ang lupa sa Antipolo ay humirit ulit si Pia na may lupa pa sa Lopez, Quezon na mula rito sa Quezon City hanggang doon ay aabutin yata ng limang oras ang biyahe.

“Sabi ko, ‘Wag mo na ako pabiyahiin diyan. Ikaw naman bebentahan mo pa ako ng 8,000 square meters, e, may mga ani-ani echos daw ‘yun.  Umaani raw ‘yun.

“Sabi ko, ‘ayaw ko na ng lupa ang layo-layo na no’n,’ tapos sabi niya every ani na lang bibigyan ka namin ng 50K, hindi natupad ang mga 50K. Tapos itong huli bago sila masakote, pinangakuan pa ako ng sampung kaban na tig-50 kilos na ani mula sa Lopez, Quezon pero waley!

“Hanggang sa nabwisit na nga ako ipinost ko na! So, mga two days after ayan na-entrap yata sila, na-julie yap daza (gay lingo), nahuli, so, nandoon (kulungan) sila ngayon. Kaya doon nila ako tinag-tag kasi alam nila na isa ako sa naloko,” litanya ni Ogie.

Tanong ni Mama Loi, “May nagtatanong ‘Nay, hindi raw ba ikaw ang nagpahuli?”

“Hindi, ah! Hindi po ako mapaghiganting tao, kung ano po ‘yung ipapahintulot sa ‘yo ng tadhana ay iyon siguro ang nakalaan para sa ‘yo. Gusto ko na ngang mag-move on, eh. Saka namang nabalitang nahuli na nga sila,” pahayag ni Ogie.

On a lighter side ay naikuwento rin ni Ogie na napagalitan niya noon si Pia dahil para raw itong bakla kung magmamahal dahil lahat ay ibinibigay sa asawang si Terrence Romeo na ang ending ay naghiwalay din.

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending