Ogie Diaz muling naalala ang perang na-scam sa kanya ng asawa ni Terrence Romeo: Sana naisip nila ‘yung anak nila lumalaki | Bandera

Ogie Diaz muling naalala ang perang na-scam sa kanya ng asawa ni Terrence Romeo: Sana naisip nila ‘yung anak nila lumalaki

Reggee Bonoan |March 12,2022
facebook
share this

Ogie Diaz muling naalala ang perang na-scam sa kanya ng asawa ni Terrence Romeo: Sana naisip nila ‘yung anak nila lumalaki

Reggee Bonoan - March 12, 2022 - 08:17 PM

Ogie Diaz muling naalala ang perang na-scam sa kanya ng asawa ni Terrence Romeo: Sana naisip nila ‘yung anak nila lumalaki

Ogie Diaz at Terrence Romeo

“ANO kaya ang maipapamana kong reputasyon at dignidad sa aking mga maiiwan, sana naisip nila ‘yung anak nila lumalaki. Hindi naman kasalanan nu’ng bata kung anong ginawa ng parents niya, di ba? Sa maling paraan na gusto nilang bigyan ‘yung kanilang anak ng magandang buhay,” ito ang sentimyento ng talent manager at content provider na si Ogie Diaz sa latest chikahan nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa “Showbiz Update” YouTube channel na in-upload nila ngayong araw.

Matapos makulong si Pia White na asawa ng PBA player na si Terrence Romeo ay ang basketbolista naman ang hinahabol ngayon ng investors na nagbigay sa kanila ng malalaking halaga.

Nasulat ngayong araw dito sa BANDERA ang tungkol sa mga naghahabol kaya muling naalala ni Ogie na siya ay biktima rin.

“Nakangiti pa ako, naalala ko na naman ‘yung dyutang sa akin ni Pia Romeo, e, ngayon naman si Terrence Romeo ang pinag-iinitan,” saad nito.

Isa pala sa negosyo raw ng mag-asawang Terrence at Pia ay ang pag-aalaga ng mga manok na 45 days at matatagpuan ang kanilang farm na BLI Farm sa Pampanga.

Dagdag tsika ni mama Loi ay nadala naman daw sa farm ang ibang investors at si Terrence ang humarap sa kanila.

Say ni Ogie, “marami sila, alam ko marami ring nahikayat na investors itong si Terrence, hindi ko lang alam kung ano ang naging settlement doon ni Terrence pero alam ko marami.”

“Ano to ‘nay (Ogie) magkasama sila (mag-asawa) negosyo nila ito o nag invest lang din si Terrence kay Pia?” tanong ni mama Loi.

“Hindi, ang alam ko si Pia sinabihan si Terrence na kumuha ka ng mga players na gustong mag-invest sa ating negosyo tapos ito ‘yung tubo 25%. Sa totoo lang ‘yung pagbisita sa chicken farm ay inaalok talaga nila kung saan gusto, sa Bulacan o sa Pampanga.

“Ako rin naalok, “o sige mama Ogs, punta ka sa Bulacan.’ Sabi ko, ‘o sige.’ Biglang na-cancel kasi wala ‘yung sasama sa amin, tapos another schedule (cancelled din) kasi umuulan daw doon,”kuwento ni Ogie.

“Ha? Walang bubong mga manok? Ha, ha, hahaha,” tumawang tanong ni mama Loi.

“Hindi kasi maputik ‘yung dadaanan, kaya medyo naniniwala rin ako sa mgs reklamo ng investors,”katwiran ng vlogger.

Dagdag pa, “huwag n’yo rin sisihin ‘yung mga investor na ‘yan kasi lahat naman sumusugal kasi medyo aggressive ‘yung business na ‘yan. Kaya ngayon kahit anong lapit sa akin, ‘NO!’ Magtatrabaho na lang ako.”

Sabi pa ni Ogie, “Wala akong balita kung nakapag-bail na si Pia ang nabalitaan ko ay nalulong sa sugal si Terrence ‘yan ang nabalitaan ko, e, mas magandang si Terrence na lang ang sumagot n’yan kasi hanggang ngayon hindi pa rin naman nakikipag-usap si Terrence. Parang nagpahinga muna sa kanyang socmed accounts.”

Balik-tanong ni mama Loi, “so ibig sabihin lahat ng nakuha nilang pera napunta sa sugal?”

“Hindi ko naman sinasabing ganu’n, pero siyempre di ba ‘pag ikaw sugarol ka at gigil na gigil kang magsugal parang hindi ka makakatulog ng hindi nagsusugal at talagang gagawan mo ng paraan para ikaw ay magkapera para tumakbo ka sa casino o sabong man ‘yan di ba? Siguro ganu’n ang nangyari kay Terrence hindi mapigilan.

“Pero meron namang nagparating sa akin na huminto na raw si Terrence. Sabi ko, e, buti huminto si Terrence.

Sabi ng kausap ni Ogie, “oo huminto na siya wala na siyang isusugal.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Terrence Bill Romeo (@tbvrome07)

 

“Ha, ha, hahaha. Gagah talaga ‘tong kausap ko. Anyway, kilala ko naman si Terrence na somehow hindi naman siya ganu’n nu’nbg araw, so, sana puwede niyang maibalik man lang kahit walang interest o ‘yung principal (amount) na lang ang ibalik niya doon sa mga investors,” pahayag ni Ogie.

Napag-usapan din ang loteng inalok noon ni Pia kay Ogie bilang kabayaran sa nakuhang halaga sa kanya na sinabing nawawala ang titulo kaya gumastos ang huli ng P278,000 para mapaayos ang titulo sa Registry of Deeds and it turned out na hindi naman pala nawawala dahil nabenta na pala dahil base sa record ng RD ay may unang nagki-claim ng lupa dahil nasa kanya ang title ng lupa na nasa pangalan ni Terrence.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo pa ni Ogie na sana huwag ng mang-isa ng kapwa dahil mabubuko rin ito sa huli.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ng mag-asawang Terrence at Pia.

Related Chika:
Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!
Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending