Alodia nagpaliwanag sa 'sinayang' post: It was based on a meme quote Bandera

Alodia nagpaliwanag sa ‘sinayang’ post: It was based on a meme quote

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Alodia nagpaliwanag sa ‘sinayang’ post: It was based on a meme quote

Therese Arceo January 15, 2022 - 02:47 PM

Alodia nagpaliwanag sa 'sinayang' post: It was based on a meme quote

MUKHANG hindi inaasahan ng cosplayer, gamer, at co-founder ng Tier One Entertainment na si Alodia Gosiengfiao na magte-trending ang kanyang social media post.

“Hi, ako nga pala yung sinayang mo,” caption ni Alodia sa kanyang picture na talaga namang umani ng pansin mula sa netizens.

Kahit ang kanyang kapatid na si Ashley Gosiengfiao ay nakigulo rin sa post at nag-comment ng “Tag ko na ba?”

Mukha namang hindi na rin kinakailangan pang i-tag ni Ashley si Wil dahil ang mga netizens na mismo ang nagkusa na i-tag ito.

Ngunit nilinaw ni Alodia na walang kinalaman sa sinuman ang kanyang post.

“Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intarweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!” saad ni Alodia.

“I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things.. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade,” dagdag pa niya.

Pero may aliw ring naging sagot ang dati niyang dyowa na pinag-usapan rin kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” sey naman ni Wil na may hawak pang rice cooker sa kanyang post na picture.

Pero ang mas nakakaaliw ay ang post ng architect ng kanilang supposedly ipapatayong bahay na si Llyan Austria.

“Hi, ako nga pala yung sinayang nyo,” saad nito kasama ang larawan ng kanilang ipapatayong bahay.

Ang tanong ng bayan, sa kabila ng sinabi ni Alodia na wala nang comeback na mangyayari, magkabalikan pa kaya ang dalawa?

Related Chika:
Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo
Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending