Zaijian Jaranilla hiwalay na sa non-showbiz dyowa Bandera

Zaijian Jaranilla hiwalay na sa non-showbiz dyowa

Therese Arceo |January 14,2022
share this

Zaijian Jaranilla hiwalay na sa non-showbiz dyowa

Therese Arceo January 14, 2022 - 08:17 PM

Zaijian Jaranilla hiwalay na sa non-showbiz dyowa

INAMIN ng Kapamilya actor na si Zaijian Jaranilla na hiwalay na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Ito ay inamin ng dating child star sa media conference ng kanyang bagong teleserye na “The Broken Marriage Vow”.

Natanong kasi si Zaijian kung ano ang kanyang take sa mga manloloko.

Panandaliang huminto at ngumiti ang batang aktor sabay sabing “Paano ba sasagutin ‘yan?”

Actually, wala na. Hindi na ko in a relationship,” pag-amin ni Zaijian makalipas ang ilang minuto.

Hindi naman na in-explain ng binata ang iba pang detalye ukol sa kanilang break-up ngunit inamin nito na kamakailan lang nang tuluyan silang maghiwalay.

Pero makikita pa rin ang larawan nila ng kanyang dating girlfriend sa kanyang Instagram account kung saan binati niya ito noong ika-18th birthday nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zai God Jar (@zaigj)

Matatandaang 2020 nang aminin ni Zaijian na may nagpapatibok ng kanyang puso sa morning talk show na “Magandang Buhay”.

“Sobra po (siyang maging inspirasyon). Nakakatulong po siya sa akin. Parang mas inspired ako sa pang-araw-araw… kapag gumisiging ako tapos alam ko na may nagmamahal sa akin, tapos may naghihintay sa akin,” pagbabahagi noon ng binata.

Sa ngayon ay abala si Zaijian sa kanyang mga proyekto at isa na nga rito ang bagong Kapamilya teleserye na “The Broken Marriage Vow” kung saan gaganap siya bilang si Gio Ilustre, anak  nina Dr. Jill Valdicano-Ilustre (Jodi Sta. Maria) at David Ilustre (Zanjoe Marudo).

Parte rin siya ng teleseryeng “Darna” na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Joshua Garcia, at Janella Salvador kung saan gaganap siya bilang si Ding.

Unang sumikat si Zaijian nang gumanap ito bilang si Santino sa hit series na “May Bukas Pa” noong 2009.

Related Chika:
Zaijian Jaranilla loyal sa Kapamilya network: Hindi po ako lilipat
Joshua, Zaijian pasok sa ‘Darna’ ni Jane; sino kaya ang mapipiling Valentina?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending