Bwelta ni Heart sa nagtanong kung bakit wala pa siyang anak: Ayoko, e! Chill, not your uterus! Bandera

Bwelta ni Heart sa nagtanong kung bakit wala pa siyang anak: Ayoko, e! Chill, not your uterus!

Ervin Santiago |January 14,2022
share this

Bwelta ni Heart sa nagtanong kung bakit wala pa siyang anak: Ayoko, e! Chill, not your uterus!

Ervin Santiago January 14, 2022 - 08:26 AM

Heart Evangelista

PINATULAN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang isang netizen na nagtanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Hindi nagustuhan ni Heart ang tono ng pagtatanong ng nasabing netizen kaya naman talagang binasag at sinupalpal niya ito nang bonggang-bongga.

Sa isang TikTok video na in-upload ng misis ni Chiz kahapon, Jan. 13, ipinagdiinan nito ang kanyang paniniwala na hindi kailanman dapat gawing sukatan ng kaligayahan ang pagkakaroon ng anak.

Ipinamukha pa ng “I Left My Heart in Sorsogon” actress sa nasabing basher na hindi tamang tanungin ang isang tao o ang mga mag-asawa kung bakit wala pa silang anak — isang malaking kabastusan at kawalang respeto raw ito.

“Kulit, ha. Ayoko, eh,” hirit ni Heart. Dagdag pa niya, Chill. Not your uterus.”

“Didn’t anyone teach you manners? If I am not sad about it then why are you? 

“Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. What are you going to do when your kids have their own lives?” ang banat ng Kapuso star at fashion icon sa netizen.

Sa isa pang video, sinagot din ni Heart ang komento ng isa niyang fan na nagsabing bilib siya sa style nito ng pagsagot at pambabasag sa mga trolls at haters. Kahit na galit na raw kasi ang aktres ay sosyal na sosyal pa rin ang pambabara nito.

“I guess every year, as we get older, we realize our self-worth. If before I allowed people to step on me and bully me, well not anymore.

“Because I know what I went through. I know my worth. I know what’s in my heart…so if ‘palaban’ means being respectful to yourself and actually handling it with grace but putting your foot down then, yes. I will not let you step on me,” katwiran pa niya.


Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatol ang aktres sa mga nagtatanong kung bakit hindi pa siya nabubuntis uli o kung bakit wala pa rin silang baby ni Chiz.

Matapos makunan noong 2018 sa kambal sanang anak nila ng asawa, ilang beses nang pumatol sa bashers si Heart. Noong September, 2021, sinagot din niya ang ilang TikTok users na nagsabing sayang lang daw ang katawan niya dahil hindi siya nabubuntis. 

“Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also, may I add – life is good. 

“People I love are fine and everything else in between is okay so bonus nalang if I do conceive again. It’s my body,” ang ipinagdiinang katwiran ni Heart.

Ikinasal sina Heart at Chiz noong 2015 at kung matatandaan, dalawang beses na siyang nakunan sa panganay sana nila ni Gov. Chiz.

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending