#Astig: Yorme, Smugglaz, Bassilyo bidang-bida sa 'Nais Ko' music video | Bandera

#Astig: Yorme, Smugglaz, Bassilyo bidang-bida sa ‘Nais Ko’ music video

Ervin Santiago - December 29, 2021 - 07:12 AM

Isko Moreno, Smugglaz at Bassilyo

IN FAIRNESS, bentang-benta ngayon sa mga netizens, lalo na sa mga kabataan ang bagong paandar ni Manila Mayor Isko Moreno.

Hot topic kasi sa social media ang music video na ginawa ni Yorme na isa sa mga kumakandidato sa pagkapangulo ng bansa sa darating na May, 2022 elections.

Kung ang ilang presidential aspirants ay napapanood at naririnig sa ilang patalastas sa telebisyon at radyo, may naisip pa ngang ibang paraan ang alkalde ng Maynila para ipaalam sa sambayanang Filipino ang kagustuhan niyang makapagsilbi.

Inilabas ng team ni Isko ang nasabing music video kahapon na may titulong “Nais Ko,” na kinanta ng kilalang Fliptop battle rappers na sina Smugglaz at Bassilyo.

Sa simula pa lang ng video ay makikita agad si Yorme na napapagitnaan nina Smugglaz at Bassilyo kasama ang iba pang mga rapper. Habang kumakanta at nagra-rap ang mga ito ay makikita si Yorme na kumakain nang nakakamay.

Sa isang bahagi naman ng music video ay naglalakad na sa kalye ang aktor at politiko hanggang sa makasakay ng pedicab habang ipinakikita ang hirap na buhay ng mga taga-Maynila. 

Ngunit dahil sa pagsisikap, pagsisipag at pagtitiyaga sa buhay ay kayang-kaya naman daw umasenso at magkaroon ng magandang buhay.

“Galing sa baba, galing sa wala, kaya alam magpahalaga ‘pag may napala,” ang bahagi ng chorus ng “Nais Ko” na tumutukoy nga sa buhay ni Isko na nagsimula sa pagiging basurero.

Sabi pa sa lyrics ng kanta, “Sipag at tyaga lang ang piniga salita’y binawasan dinamihan ang gawa.”

“Ikaw Na Isko! Wala nang maraming dahilan (Posible!) ugaling makupad na ‘di maka usad dapat na nating palitan.

“Ikaw Na Isko! Mangarap ka ‘wag mag alangan (Pwede!) kahit mahirap ika’y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!).”

Makakalaban ni Isko sa pagtakbong pangulo ng Pilipinas sina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Sen. Panfilo Lacson at Vice-President Leni Robredo. 


https://bandera.inquirer.net/291367/yorme-balak-mag-retire-sa-public-service-sa-edad-50-wala-pa-ring-final-answer-sa-eleksyon-2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290796/yorme-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-kapit-lang-tuloy-ang-buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending