Angeline nag-post ukol sa pinakamagandang 'positive' sa kanyang buhay | Bandera

Angeline nag-post ukol sa pinakamagandang ‘positive’ sa kanyang buhay

Therese Arceo |December 26,2021
facebook
share this

Angeline nag-post ukol sa pinakamagandang ‘positive’ sa kanyang buhay

Therese Arceo - December 26, 2021 - 12:39 PM

Angeline nag-post ukol sa pinakamagandang 'positive' sa kanyang buhay

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi na ang singer-actress na si Angeline Quinto ukol sa kanyang pagbubuntis sa social media.

Sa kanyang Instagram post ay ipinakita niya for the first time ang positive result ng kanyang pregnancy test at mukhang itinaon niya talaga ito sa araw ng Kapaskuhan.

“Merry Christmas,” bati ni Angeline sa mga netizens.

“Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way. Yahooo,” dagdag pa niya.

Nagpahatid naman ng suporta at pagbati ang mga netizens at mga kasamahan ni Angeline sa industriya.

Yahooooo welcome to motherhood in advance,” saad ni Vina Morales.

“Congratulations, mama to be! Ang sarap maging mommy!” comment naman ni Geneva Cruz.

Sey naman ni Karen Davila, “Wooooohooo!!! I am so happy for you, Angeline! God is good! What a Xmas (Christmas) blessing!!!”

“Mama Bob’s gift for you. She wants to make sure you will not be alone , until the end, ikaw pa din ang iniisip niya. God bless po,” hirit naman ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Mukhang ito na talaga ang simula ng bagong chapter ng buhay ni Angeline dahil tanging si ang pregnancy test result na lang ang makikita sa kanyang Instagram feed.

Unang napabalita ang pagbubuntis ni Angeline nang kumalat ang litrato ng teleprompter habang nagre-rehearse ito para sa kanyang concert.

Mas lalong umugong ang usap-usapan ukol sa kanyang pagbubuntis nang maging topic ito nina Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” show.

Kinumpirma rin ng talent manager na si Ogie Diaz ang chika at sinabing 5 months preggy na si Angeline sa kanyang non-showbiz dyowa.

Tuluyan naman nang tinuldukan ng singer-actress ang isyu nang personal niya itong aminin nang makapanayam siya ng King of Talk na si Boy Abunda.

Ibinahagi na rin niya ang ilan sa mga detalye tungkol sa ama ng kanyang dinadala.

“Nakilala ko siya tito Boy dahil kaibigan siya nu’ng boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila.

“Tapos nu’ng nagkita kami isang beses hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuluy-tuloy. So, bale mag-iisang taong mahigit na rin kami,” saad ni Angeline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakatakdang manganak ang singer-actress sa April 2022.

 

Related Chika:
Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa
Angeline Quinto umamin na: Magiging nanay na rin ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending