Kris Bernal naiyak nang tanungin ukol sa non-renewal ng contract sa GMA: I feel like I was a failure | Bandera

Kris Bernal naiyak nang tanungin ukol sa non-renewal ng contract sa GMA: I feel like I was a failure

Therese Arceo |December 20,2021
facebook
share this

Kris Bernal naiyak nang tanungin ukol sa non-renewal ng contract sa GMA: I feel like I was a failure

Therese Arceo - December 20, 2021 - 06:43 PM

Kris Bernal naiyak nang tanungin ukol sa non-renewal ng contract sa GMA: I feel like I was a failure

BATA pa lang ay pangarap na talaga ni Kris Bernal ang maging isang artista, ito ang kinuwento niya kay Toni Gonzaga sa “Toni Talks”.

Noon daw ay lagi siyang sumasama sa mga kapatid sa tuwing pupunta ito sa mga VTRs at go-sees para sa mga commercial at lagi rin itong nag-aayos sa tuwing may shooting sa kanilang lugar para ma-discover.

Mukhang destined naman talaga para kay Kris ang maging artista lalo na nang manalo siya sa reality talent competition show na “Starstruck” kung saan nagsimula ang kanyang karera.

“Feel ko, I was really meant for this job, parang dito ko nahanap ‘yung worth ko. Kaso acting nga ‘yung gusto ko so dito ako nilagay ni Lord,” pagkukwento ni Kris.

Pero dumating rin daw siya sa pagkakataon na kinuwestiyon niya ang kanyang worth nang hindi na ipinagpatuloy ng GMA ang kanyang kontrata.

“Naiiyak ako, pinaalala mo kasi. Very difficult talaga for me kasi parang feel ko, throughout my career, nandoon ako sa network ko,” saad ni Kris.

Halos 14 years na rin ang aktres sa kanyang home network na GMA-7.

“When I finally got the memo na they are no longer renewing me, parang the first word talaga na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko na I was a failure. Parang I just didn’t fail myself but I also failed my family. I also failed my fans. Parang ganon ang dating,” pagpapatuloy ni Kris.

“Pero alam mo na you had given your best. Di ko alam talaga. Sorry ha. I know it was a long time ago, like a year ago pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kasi okay naman. I mean, hindi naman ako nag-a-attitude. Sabi ko nga lagi kong binibigay ‘yung best ko and actually until today question pa rin siya sa akin,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Amin ni Kris, nagkakaroon na rin siya ng insecurities dahil may mga bagong artista na pumapasok samantalang siya ay hindi na-renew.

Nabanggit rin ni Kris ang tungkol sa mga natatanggap niyang pamba-bash dahil sa kanyang katawan.

Minsan iniisip niya na baka hidrance ang kaniyang pangangatawan sa pagiging artista.

“Baka lang rin kaya hindi na ako masyadong nakakakuha ng projects because of how I look now,” sey ni Kris.

Ibinahagi rin ng aktres na noong bata raw siya ay sinasabi niya na magla-lielow lamang siya sa kanyang career kapag ikinasal na siya.

Matatandaang ikinasal si Kris noong Setyembre kay Perry Choi.

Pero kahit ikinasal na ay pilit pa rin niyang sinusubukang abutin ang peak ng career.

Hirit pa niya, sa tagal na niya sa industriya ay never pa niyang naranasan ang manalo ng best actress award at ito raw ang kanyang pangarap. Lagi lang daw siyang nominated pero never pa niyang naranasan.

“Acting is my passion and feel ko, sa showbiz, I get to express yung who I am and napapakita ko talaga kung ano yung gusto kong gawin sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feel ko nga nahanap ko na ‘yung sinasabi ni Lord sa akin kung bakit ako nanalo [sa Starstruck]. Feel ko nga I was meant for this dahil gusto ko talaga siya.”

Related Chika:
Wish ni Kris Bernal: May all the food I eat go straight to my balakang!
Kris Bernal ‘hulog ng langit’ ang turing kay Perry Choi: Thank you for giving me my dream wedding…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending