Jodi Sta. Maria gigil na gigil, napraning sa manlolokong asawa Bandera

Jodi Sta. Maria gigil na gigil, napraning sa manlolokong asawa

Reggee Bonoan |December 15,2021
share this

Jodi Sta. Maria gigil na gigil, napraning sa manlolokong asawa

Reggee Bonoan December 15, 2021 - 08:43 PM

Jodi Sta. Maria gigil na gigil, napraning sa manlolokong asawa

NANGGIGIGIL sa galit at nilalamon ng kapraningan si Jodi Sta. Maria sa ipinakikitang trailer ng drama series na “The Broken Marriage Vow” ng ABS-CBN, mapapanood na simula sa Enero 2022 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Inilabas ang tatlong minutong trailer ngayong araw (Disyembre 15) na ipinakilalang mapagmahal na ina at misis si Dra. Jill Ilustre (Jodi) at kung paano dahan-dahang masisira ang masaya niyang pamilya matapos niyang madiskubreng niloloko siya ng asawang si David (Zanjoe Marudo).

Pagkatapos makita ang isang mahabang hibla ng buhok sa gamit ni David ay magkakakutob si Jill na nambababae ang asawa at dahan-dahang kakainin siya ng pagdududa at iimbestigahan ang lahat ng kilos ng una at lahat ng babae sa paligid nila ay pinagsu-suspetsahan.

Makukumpirma ang hinala ni Jill dahil matatagpuan niya ang isang cellphone ni David at ang mga litrato kung saan kasa-kasama nito ang kabit na si Lexy (Sue Ramirez). Guguho ang mundo ng duktora dahil madidiskubre rin niyang alam ng lahat ng mga kaibigan nila ang relasyon ng dalawa na itinatago lang sa kanya.

Ipinakita rin sa trailer ang ilan sa mahahalagang eksena sa serye kabilang na ang tahasang pagtanggi ni David kay Jill na nambababae siya, ang doctor’s appointment ni Lexy kung saan nalaman niyang buntis siya at ang pang-eeskandalo ng duktora sa bahay ng mga magulang ni Lexy at paglalantad na ipinalaglag ng dalaga ang dinadalang baby nito.

 

Ipinakita rin sa trailer si Zaijian Jaranilla sa papel niya bilang si Gio, ang kawawang anak na maiipit sa pagitan ng mga magulang niyang sina Jill at David.

Nasa trailer din si Diane (Jane Oineza), ang pasyente ni Jill na papakiusapan niyang sundan ang asawa; si Sandy (Angeli Bayani), ang malapit na kaibigang doctor ni Jill; sina Carol at Charlie (Bianca Manalo at Ketchup Eusebio), ang mag-asawang kapitbahay; sina Nathalia at Alfred (Rachel Alejandro at Art Acuña), ang mga magulang ni Lexy; si Grace (Empress Shuck), ang sekretarya ni David; at si Marina (Susan Africa), ang kunsintidor na nanay ng asawa ni Jodi.

Sina Connie Macatuno at Andoy Ranay ang mga direktor ng “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng sikat na BBC series na “Doctor Foster.”

Kasama rin sa cast sina Ronnie Lazaro, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, JB Agustin, at Joem Bascon.

 

Related Chika:
Jodi, Zanjoe, Sue bibida sa Pinoy version ng Doctor Foster; ‘Andito Kami Para Sa ‘Yo’ promise ng ABS-CBN

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending