Jodi, Zanjoe, Sue bibida sa Pinoy version ng Doctor Foster; 'Andito Kami Para Sa ‘Yo' promise ng ABS-CBN Bandera

Jodi, Zanjoe, Sue bibida sa Pinoy version ng Doctor Foster; ‘Andito Kami Para Sa ‘Yo’ promise ng ABS-CBN

Ervin Santiago |May 07,2021
share this

Jodi, Zanjoe, Sue bibida sa Pinoy version ng Doctor Foster; ‘Andito Kami Para Sa ‘Yo’ promise ng ABS-CBN

Ervin Santiago May 07, 2021 - 05:18 PM

CONFIRMED! Ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na ang bibida sa Philippine adaptation ng “Doctor Foster,” ang hit BBC Studios drama series na may version na rin sa iba’t ibang bansa.
Si Jodi ang gaganap bilang si Dr. Jill Ilustre (Dr. Gemma Foster sa original) sa upcoming ABS-CBN series na may titulong “The Broken Marriage Vow,” na tungkol sa pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa dahil sa pagkakaroon ng kabit ni mister.

Joining Sta. Maria in the cast are Zanjoe Marudo as David Ilustre (Simon Foster sa original), ang asawa; at Sue Ramirez bilang Lexy Lucero (Kate Parks sa unang version), ang mistress.
Makakasama rin dito si Zaijian Jaranilla ang gaganap na anak ni Zanjoe.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay ididirek ni Concepcion Macatuno, ang direktor ng “Glorious” (2018) at “Malaya” (2020).

The Dreamscape Entertainment production is the sixth international adaptation of “Doctor Foster,” following its versions in France, Russia, Turkey, India, and South Korea.

The Korean remake, “The World of the Married,” became the country’s highest rated cable TV drama, and also courted a massive following from Filipino viewers. It was also aired locally by ABS-CBN.

* * *

Pinagtibay ng ABS-CBN ang pangako nitong patuloy na paglilingkuran ang mga Pilipino sa mensahe nitong “Andito Kami Para Sa ‘Yo” nitong Mayo 5, ang unang taon mula nang nawala ang network sa ere.

Ipinaabot ng ABS-CBN ang mensaheng ito sa social media sa tulong ng iba’t ibang programa, plataporma, at artista ng kumpanya. Paalala nila sa mga Pilipino, narito pa rin ang ABS-CBN upang sumuporta, at magbigay liwanag at ligaya sa kanila sa pamamagitan ng mga programa nitong napapanood sa free TV, cable, online, at sa streaming platforms.

Makikita sa video na isinalin sa iba-ibang lenggwahe ang “Andito Kami Para Sa ‘Yo” upang mas personal na maipahatid ng ABS-CBN ang mensahe nito sa mga patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala sa kumpanya para sa balita, public service, at entertainment, sa kabila ng mga pagsubok.

“Kayo po ang tanging dahilan kung bakit naglilingkod ang ABS-CBN, mula noon hanggang ngayon. Dahil sa inyong suporta, patuloy tayong nakakapaghatid ng mga kwento, nakapagbibigay ng saya at inspirasyon sa Pilipino,” sabi ng ABS-CBN sa social media post.

Patuloy ang ABS-CBN sa paghahanap ng paraan upang maabot at mahatiran ng serbisyo ang mga Pilipino nasaan man sila sa mundo.
Ngayon, napapanood na muli ang iba-ibang entertainment programs ng ABS-CBN sa buong bansa, kabilang ang primetime block nito, sa free TV at gamit ang digital box sa A2Z Channel 11 at TV5.

Sa cable, nakakukuha rin ng aliw, saya, at kaalaman ang mga Pilipino sa Kapamilya Channel, Cinemo, A2Z, TV5, Jeepney TV, CinemaOne, Metro Channel, MYX, at Knowledge Channel. Habang maiinit na balita naman ang  hatid ng TeleRadyo at ANC, the ABS-CBN News Channel.

Sa online, lalo pang mas maraming pagpipilian ang mga Kapamilya, dahil ipinapalabas din ng ABS-CBN ang iba-iba nitong offerings sa mga opisyal na social media pages at digital platforms nito, sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa streaming service ng ABS-CBN na iWantTFC, at kamakailan lang, maging sa WeTV iflix.

Maging ang mga nasa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ay naabot pa rin ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TV5 at mga programa ng MOR Entertainment sa Facebook, kumu, Spotify, at YouTube.

Patuloy ring binibida ng ABS-CBN ang talento ng Pilipino sa pamamagitan ng Star Music at Star Cinema, samantalang tulong ang dala ng ABS-CBN News Public Service at ABS-CBN Foundation sa mga nangangailangan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending