John Vic de Guzman hindi tatalikuran ang volleyball; Erin Ocampo super crush si Alden | Bandera

John Vic de Guzman hindi tatalikuran ang volleyball; Erin Ocampo super crush si Alden

Ervin Santiago |December 12,2021
facebook
share this

John Vic de Guzman hindi tatalikuran ang volleyball; Erin Ocampo super crush si Alden

Ervin Santiago - December 12, 2021 - 10:06 AM

Alden Richards, Erin Ocampo at John Vic de Guzman

KAHIT gumaganda at bumobongga na ang showbiz career ng Kapuso hunk na si John Vic de Guzman ay hindi pa rin niya tatalikuran ang paglalaro ng volleyball.

Kamakailan lang ay nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center si John Vic at aniya, pamilya na talaga  ang naging turing sa kanya ng mga kasamahan sa GMA.

“Bilang bagong Kapuso, mapi-feel mo na hindi ka lang basta co-artist, naging family ka na rin sa kanila lalo na nung naging part ako ng ‘Owe My Love’ naramdaman ko talaga ‘yun. Sobrang masaya ako,” pahayag ng binata sa isang panayam.

Hindi man madali na pagsabayin ang career sa showbiz at volleyball pero willing naman si John Vic na magsakripisyo muna para mabalanse ang parehong field.

“Nakausap ko na rin po yung mga manager ko na kapag may international competition, I’ll still be playing sa national team. Then pag off-season na po, dun naman po ako papasok na sa pagiging artista,” katwiran ng aktor.

Paliwanag pa niya, “Hindi po madali pagsabayin. Kasi may isa ka talagang isa-sacrifice na hindi muna gagawin. But still, sobrang happy ako dahil kahit naglalaro ako, naging Kapuso ako. 

‘Yung passion ko sa paglalaro at sa pag-acting, napagsasabay ko,” aniya pa.

Muli namang magsisilbing Philippine Men’s National Volleyball Team Captain si John Vic sa gaganaping SEA Games sa Hanoi, Vietman sa 2022.

View this post on Instagram

A post shared by John Vic Ortiz De Guzman (@johnvicdeguzman)


* * *

Sa isang interview para sa recent contract renewal ni Erin Ocampo sa GMA Artist Center, nabanggit ng “The World Between Us” actress na kung papipiliin kung sinong karakter ang gusto niyang gampanan sa show bukod sa karakter niyang si Vee Mapa, pipiliin niya ang role ni Jasmine Curtis na si Lia.

“Siyempre, du’n na tayo kay Jas!”  natatawang banggit ni Erin. “Alam naman ng lahat na crush ko si Alden, eh. Lagi ko nga silang niloloko, ‘yung kissing scene nila nakailang take ‘yon. Sabi ko kay Jas, ‘Sis, exchange (naman tayo!)'”

Kuwento pa ni Erin, masaya siya dahil tila magkakapatid na raw magturingan ang cast ng “The World Between Us”, “Kakaiba talaga ‘yung bonding namin. Para kaming magkakapatid wala akong masabi. 

“Everyday, nag-uusap kami. Everyday, may nagse-send ng nakakatawa, may nagshe-share ng kung ano’ng nangyari sa araw nila,” aniya pa.

Samantala, napapanood pa rin ang “The World Between Us” gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by E 👑 (@erinocampox)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending