Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya Bandera

Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya

Reggee Bonoan |December 09,2021
share this

Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya

Reggee Bonoan December 09, 2021 - 12:18 PM

Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya

“Nag-message siya sa akin, nag-sorry siya,” ito ang sagot ni Barbie Imperial nang kumustahin namin sa kanya ang Viva artist na si AJ Raval.

Nakiupo kasi siya sa lamesa namin sa Boteyju resto bago umakyat sa Cinema 5 ng Fisher Mall kung saan gaganapin ang private screening ng pelikulang “Dulo” na unang pagtatambal nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Nabanggit kasi naming nagsalita na si AJ na hindi nanligaw at nagpunta si Diego sa bahay nila sa Pampanga para dalawin siya.

“Oo nag-message nga siya siguro 4 days ago. Actually unsent nga niya ‘yung message niya sa viber, eh. Di ba makikita naman pag ganu’n, ako na ang nag-message, sabi ko, ‘o AJ?’

“Tapos ‘yun nga nag-sorry tapos pinangaralan ko,” kaswal na kuwento ni Barbie na hindi na ikinuwento kung ano pa ang ibang pinag-usapan nila ng sexy star.

Pinayuhan din ng mga kausap na press si Barbie na huwag na siyang magsasalita kapag iniisyuhan sila ni Diego dahil talo siya lalo’t mas matagal na siya sa industriya at may pangalan na.

“Oo nga po, eh. E, kasi ganu’n po ako kapag hindi totoo talagang ipinaglalaban ko, kahit sa kaibigan talagang ipinagtatanggol ko,” katwiran ng aktres.

Ipinagdiinan muli ng magandang girlfriend ni Diego na marami siyang nakausap at makakapagpatunay na nag-uusap sina AJ at ang self-proclaimed Marites (tsismosa) ng Pilipinas nanl si Xian Gaza dahil ginagamit ito sa sariling online tsismis para dumami ang followers.

Napaisip nga kaming bigla sa sagot ni AJ sa tanong kung anong reaksyon niya na ginagawan siya ng isyu ng self-proclaimed Marites ng Pilipinas

“Hinahayaan ko na lang po ’yon kasi content niya po ’yon, e. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho niya pong gumawa ng kuwento. Wala po tayong magagawa. Hahayaan ko na lang din po,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Hindi ba dapat magagalit ka o pagsasabihan moa ng taong naninira sa iyo dahil nagiging dahilan ka ng gulo para sirain ang magandang relasyon nina Diego at Barbie?

Anyway, tapos na sabi nga ni Barbie, “Tapos na, okay na nag-sorry na.”

Samantala, grabe ang intense ng away ng mga karakter nina diego at Barbie sa pelikula nilang “Dulo” dahil naapektuhan din kami bilang manonood. Ang husay nang dalawang artista lalo na ang aktor na halatang may pinaghuhugutan samantalang ang aktres ay gayun din.

Inisip nga namin n asana hindi ganu’n ang kuwento nila sa totoong buhay dahil nakakapagod ang ganu’ng relasyon, sobrang toxic, nakasasakal sa bawa’t isa.

Para kasing hindi sila umaarte, parang me away nga talaga sina Diego at Barbie na binidyo lang ni Direk Fifth Solomon sabay in-upload sa social media na naging viral.

But kidding aside, ang husay ng mag-dyowa naalala namin sa kanila ang kabataan nina Christopher de Leon at Vilma Santos sa pelikulang Relasyon na ganu’n din ang eksena na tapatan ang mga mukha habang nagsisigawan.

Hmm, isa kaya ito sa peg ni direk Fifth?

Realidad ang kuwento ng “Dulo” na away-bati hanggang sa maghiwalay at parehong aasenso at pag nagkita ay magkakagulatan, tsikahan at kung pareho pa ring single ay posibleng magbalikan.

Siyempre gusto ni direk Fifth masaya ang fans nina Diego at Barbie kaya ginawa niyang happy ending ang “Dulo”, yes sila pa rin hanggang sa dulo na pareho na silang successful sa buhay.

Habang sinusulat namin ang balitang ito kaninang 2AM ay nag-crave kami ng chocolates at sinigang na corned beef. Alamin kung bakit importante ito kina Diego at Barbie.

Dumalo sa private screening ang dalawang kapatid ni Diego na sina Sam at Francheska na anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz gayun din ang buong pamilya ni Barbie sa pangunguna ng mama Bing Imperial nito.

Suportado rin ang mag-dyowa ng mga kaibigan nilang sina Enzo Pineda at girlfriend nitong si Michelle Vito, Marco Gumabao kasama si Chie Filomeno at marami pang iba na hindi namin makilala dahil mga nakasuot ng face mask.

Mapapanood na ang “Dulo” sa Disyembre 10 sa Vivamax produced ng Viva Films.

Related Chika:
Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka
Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman
AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending