7 bansa sa Europa nasa 'red list' na rin ng Pinas dahil sa Omicron | Bandera

7 bansa sa Europa nasa ‘red list’ na rin ng Pinas dahil sa Omicron

Karlos Bautista - November 28, 2021 - 07:44 PM

omicron covid-19

Naghihintay ang mga manlalakbay sa “Appointment Desk” para sa testing at quarantine kaugnay sa Covid-19 sa  Schiphol Airport sa Amsterdam. (Reuters)

PITONG bansa sa Europa ang nadagdag sa “red list” ng Pilipinas dahil sa pagkakaroon dito ng kumpirmadong kaso ng Omicron.

Ayon kay Secretary Karlo Nograles, tumatayong tagapagsalita ng pangulo, ang mga manlalakbay mula sa Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy ay hindi na papayagang pumasok sa bansa.

Epektibo ang kautusang ito mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15, ayon kay Nograles.

Labing-apat na ang kabuuang bilang ng mga bansang nasa “red list” ng Pilipinas.

Nitong Biyernes ng gabi, sinuspendi na ang inbound flights mula sa South Africa, kung saan unang na-detect ang Omicron, pati na rin sa Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

“Inbound international travel of all persons, regardless of vaccination status, coming from or who have been to Red List countries/jurisdictions/territories within the last 14 days prior to arrival to any port of the Philippines shall not be allowed,” ayon kay Nograles.

Tanging mga Pilipino lamang na pabalik ng bansa sa pamamagitan ng repatriation na isinagawa ng pamahalaan o non-government group at Bayanihan flight ang papayagang makapasok. Pero sasailalim sila sa mga test at quarantine protocol alinsunod sa patakaran sa mga  bansang nasa red list.

Mula sa ulat ni Zacarian Sarao

 

Kaugnay na ulat:
Listahan ng mga bansang may positibong kaso ng Omicron
Hong Kong travel ban ‘hindi pa pinal’ – NTF
Manlalakbay mula sa 7 bansa sa Africa, bawal nang pumasok sa Pinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending