Listahan ng mga bansang may positibong kaso ng Omicron | Bandera

Listahan ng mga bansang may positibong kaso ng Omicron

Karlos Bautista |November 28,2021
facebook
share this

Listahan ng mga bansang may positibong kaso ng Omicron

Karlos Bautista - November 28, 2021 - 11:07 AM

Makikita sa mga digital display board ang kanseladong flights sa O.R. Tambo International Airport sa Johannesburg, South Africa noong Nobyembre 26. (Reuters)

NAGKUKUMAHOG ang mga bansa sa buong mundo para sarhan ang kanilang mga hangganan mula sa manlalakbay galing South Africa at karatig nitong nasyon para pigilan ang pagkalat ng bagong variant ng Covid-19.

Pero bago pa man maipatupad ang panibagong restriksyon, mukhang nakalusot na sa ilang bansa  ang ngayo’y kinatatakutang Omicron variant.

Narito ang listahan ng mga bansa na may positibong kaso na ng Omicron:

  • Germany: 2
  • Australia: 2
  • Britain: higit pa sa isa
  • Czech Republic: 1
  • Italy: 1
  • The Netherlands: ilan sa 61 positibong kaso ng manlalakbay galing South Africa
  • Austria: 1

 

Umaksyon na rin ang Pillipinas at ipinagbawal ang pagpasok ng mga manlalakbay mula sa pitong bansa sa southern Africa. Suspendido na hanggang Disyembre 15 ang inbound flights mula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

Kaugnay na ulat:
Manlalakbay mula sa 7 bansa sa Africa, bawal nang pumasok sa Pinas
61 pasahero ng KLM galing South Africa, nagpositibo sa Covid-19

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending