KC Concepcion nagtamo ng 2nd degree burn matapos maaksidente sa kitchen | Bandera

KC Concepcion nagtamo ng 2nd degree burn matapos maaksidente sa kitchen

Ervin Santiago |November 24,2021
facebook
share this

KC Concepcion nagtamo ng 2nd degree burn matapos maaksidente sa kitchen

Ervin Santiago - November 24, 2021 - 01:30 PM
KC Concepcion nagtamo ng 2nd degree burn matapos maaksidente sa kitchen

NAG-ALALA ang mga fans at social media followers ng actress-singer na si KC Concepcion matapos nitong ibalita ang kinasangkutang “aksidente.”

Ayon sa panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta, na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Amerika nagtamo siya ng second degree burn sa braso nang dahil sa aniya’y “kitchen accident.”

Sa kanyang Instagram story, ipinost ni KC ang isang video habang ipinagagamot ang natamong paso sa pinuntahan niyang aesthetic center sa Beverly Hills.

Aniya sa caption, “Got into a kitchen accident and ended up with a painful 2nd degree burn!

“Thank you so much to FNP Lauren of @iskinmedspa for my wound care and my much-needed weekly IV vitamin drip!!! Big help!” sabi pa ng TV host at aktres.

Wala namang binanggit ang dalaga kung anong klaseng aksidente ang kanyang kinasangkutan at kung saang kitchen ito naganap.
Nasa Los Angeles, California pa rin hanggang ngayon si KC para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Regular siyang nagbibigay ng update tungkol sa mga kaganapan sa buhay niya roon sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlogs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Kamakailan lang, naging usap-usapan ang umano’y pag-unfollow ni KC sa mga kapatid niya sa ina na sina Frankie at Miel Pangilinan. Ang paniwala ng mga netizens baka raw may hindi pagkakaunawaan ngayon ang magkakapatid.
Wala pang ginagawang paglilinaw si KC tungkol dito kaya until now ay patuloy ang pang-iintriga sa mga anak ni Shawie.
Kamakailan, nabanggit nga ni KC na sumasailalim siya sa 30-day detox kung saan bahagi nga nito ang pag-unfollow niya sa libu-libong  personalidad sa social media.

“I have been unfollowing a couple of people on Instagram. Actually not a couple! I’ve unfollowed about 2,000 accounts on Instagram. Because I realized that I don’t really follow them truly,” sey ng dalaga.
Base naman sa kanyang Instagram account, pina-follow pa rin niya ang  inang si Sharon Cuneta at asawa nitong si Sen. Kiko Pangilinan, ang tatay niyang si Gabby Concepcion at mga kapatid sa ama.

Related Chika:
Hugot post ni KC tungkol sa ‘baby’ patutsada nga ba kay Mega?
KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending