Bonggang dinner date nina Paolo Contis at Yen Santos buking sa IG Story; aamin na nga ba? | Bandera

Bonggang dinner date nina Paolo Contis at Yen Santos buking sa IG Story; aamin na nga ba?

Ervin Santiago |November 22,2021
facebook
share this

Bonggang dinner date nina Paolo Contis at Yen Santos buking sa IG Story; aamin na nga ba?

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 12:23 PM

Paolo Contis at Yen Santos

MUKHANG handa na ngang lumantad ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos para ibandera sa buong mundo ang tunay nilang relasyon.

Ito’y matapos kumalat ang screenshot ng Instagram Story ng Kapuso actor kalakip ang kanyang selfie photo na kuha sa isang tila events place. 

Usap-usapan pa rin ngayon ng mga “Marites” (read: tsismosa, chikadora) ang viral photos kung saan pinaniwalaan ngang magkasama sina Yen at Pau na nag-dinner date kamakailan.

Nabuking ng mga netizens na naka-tag sa IG post ng komedyante ang inili-link sa kanyang aktres na si Yen. Hindi kasi agad makikita na naka-tag doon ang dalaga dahil naka-camouflage ito.

At para makita ito, kailangan pang i-click ang background color sa ibabang bahagi ng IG story ng aktor para lumabas ang account ni Yen.

Sa nasabing post, makikita ang selfie photo ni Paolo kung saan sa background ay may puting kurtina with matching Christmas lights.

Kung susuriing mabuti, ito rin ang makikita sa hiwalay na Instagram Story ni Yen na isang venue para sa isang sosyalin at romantic date — may dinner table for two ito na napapalibutan ng Christmas lights.

Ang tanging caption na isinulat ni Yen dito ay ang mga katagang “birthday dinner” pero hindi rito naka-tag si Paolo. Nag-celebrate ang aktres ng kanyang ika-29 kaarawan recently. 

Nauna rito, nag-viral din ang  camouflaged Instagram Stories nina Paolo at Yen na pinaniniwalaang mensahe nila para sa isa’t isa. At kamakailan lamang ay nag-post si Paolo ng “good morning” selfie kung saan naka-tag din si Yen.

Dahil sa sunud-sunod na pagpaparamdam nina Yen at Pau sa social media ay maraming naniniwala na may “something” na nga sa kanilang dalawa kaya huwag na raw magtaka ang publiko kung isang araw ay bigla na lang silang aamin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung matatandaan, si Yen ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Paolo at LJ Reyes pero mariing pinabulaanan ng aktor ang issue at nakiusap na huwag nang idamay ang aktres sa break-up nila ni LJ.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Nagtambal sina Paolo at Yen sa pelikulang “Faraway Land” na kinunan pa sa Faroe Islands sa Denmark. Mas uminit pa ang chika na nagkakamabutihan na ang dalawa nang magkasama silang pumunta ng Baguio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo mga BANDERA readers, naniniwala ba kayong may namamagitan na kina Paolo at Yen? O, as friends lang talaga? 

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Hiwalayang Paolo-LJ kinumpirma na ni Lolit Solis; kasalanan nga ba ni Yen Santos?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending