Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa 'Darna' series Bandera

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

Reggee Bonoan |November 19,2021
share this

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

Reggee Bonoan November 19, 2021 - 02:36 PM

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa 'Darna' series

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA nitong Miyerkules na napili na ang gaganap na Valentina, ang iconic kontrabida ni Darna at sinabi naming bagay na bagay na kalaban siya ni Jane de Leon dahil almost same height sila at walang iba kundi si Janella Salvador.

Nabanggit pa naming reunion ito ng napiling Valentina at ng aktor, si Joshua Garcia iyon na nakasama ni Janella sa The Killer Bride kung saan sumikat ang tambalang JoshNella.

Sabi pa nga ni Maja Salvador noon, “I’m rooting for them.” Kasi nga super close ang dalawa at inakala rin ng fans na posibleng sila na, pero iba ang laman ng puso ni Janella at alam naman kung sino ito dahil may anak na sila ni Markus Paterson.

Ang tarush ng comeback project ng aktres pagkatapos ng The Killer Bride.

Anyway, sampung minuto ang nakalipas habang sinusulat namin ang balitang ito na in-anunsyo na ng ABS-CBN na si Janella ang napili bilang si Valentina ang serpent queen na magpapahirap kay Darna.

Ang official announcement ng ABS-CBN na may larawan ng aktres.

“Janella Salvador is Valentina is “Darna” series.

“ABS-CBN named Janella Salvador as the actress who will play the role of serpent queen and supervillain Valentina in the upcoming “Darna: The TV Series.”

“She is lawyer-vlogger Regina/Valentina, who is cursed with venomous snakes for hair and will become the archenemy of the superheroine Darna played by Jane De Leon.

Nakakaaliw lang dahil marami ang nag-abang din kung sino ang gaganap na Valentina tulad ng ingay noon kung sino ang mapipiling Darna pagkatapos itong bitawan nina Angel Locsin at Liza Soberano.

Sa nasabing audition ay mismong si Direk Chito Rono ang pumili kay Janella para sa nasabing karakter.

Kaya pala sobrang paghahanda ang ginawang pagpapayad at work out ng aktres para maging fit sab ago niyang project.

Ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ay handog ng JRB Creative Production na ididirek nina Chito at Avel Sunpongco.

Kasama rin sa series sina Iza Calzado ang orihinal na Darna at ina ni Narda, ang binatilyong si Zaijan Jaranilla bilang si Ding at si Joshua Garcia ay si Brian na love interest ng bida.

Related Chika:
Sino kina Yassi, Ivana, Janine, Jackie at AJ ang nakapasa bilang Valentina sa ‘Darna’?
Napiling Valentina bagay na bagay na kalaban ni Darna; sino nga kaya siya?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending